Chapter 2

3.9K 58 12
                                    

“ANO?!” Halos mabingi ako sa sigaw nina Bea at Barbie.

“Teka lang, babalikan ko!” Tumakbo ako pabalik ng Archi steps. Pagdating ko dun, wala akong nakitang sign nung letter anywhere. Halos 10 minutes din akong naghanap dun pero wala talaga. Hindi ko alam baka hinangin o kinain ng aso o kaya nasunog mag-isa. Haaay. Nakakaloka! Sana hindi mapunta sa maling tao.

Pinuntahan ko na ulit sina Bea at Barbie para sabihin ang masamang balita. Ang dami naming haka-haka sa kung anung nangyari dun sa sulat pero yung kay Bea yung pinaka hindi ko nagustuhan..

“Hindi kaya nakuha nung lalaking sinasabi mo kanina?”

OMG. She may be right! Nako patay ako nito! Ano nang gagawin ko kapag napunta dun sa mokong na yun yung sulat ko para kay Enrique?!

“Hala. Hindi pwede! Lagot ako pag nangyari yun! Hindi pa naman siya mukhang mabait.” Sabi ko sa kanila sabay simangot.

“Ipagdasal mo na lang na hindi mangyari yun!” Sabi ni Barbie. “Anyway, una na ko girls. Male-late na ko sa class ko eh. Kita-kitz na lang ha? Bye!”

Pumasok na sa loob ng Archi building (Rada) si Barbie. Dun din kasi yung classes ng Industrial Design eh. Kami naman ni Bea, naglakad lang ng konti tapos nasa Film building (Andrade) na. Halos magkatapat lang kasi yung dalawa. Nagtataka siguro kayo kung bakit kahit freshmen pa lang kami, may major subjects na kami. Ganun kasi dito sa school namin eh. May tatlo o apat na agad na majors kahit freshman ka pa lang. Pero marami rin naman kaming General Electives o yung mga subject na kinukuha ng lahat ng studyante. Tulad na lang nung Philo class namin with Professor Manuel. GE lang naman yun eh pero terror prof kaya nakakainis.

Pagkatapos nung isa naming class sa Andrade, pumunta na kami ni Bea sa Urdaneta. Dito naman yung GE subjects. Tingin niyo ba malaki yung school namin? Actually, sakto lang naman yung size ng school namin. Apat lang yung buildings samin: Rada (Fine Arts & Architecture), Andrade (Film & Mass Communication), Urdaneta (Philosophy & Humanities), at Gomualde (Engineering & Sciences). Sa gita nung mga buildings na yun, merong isang malaking quadrangle. Dito madalas nagkikita-kita yung mga studyante. Ang tawag sa quadrangle na yun, Eliza’s Garden or more commonly known as Elden. Ang dami kong alam no? Hahaha! Ganun talaga! Dapat kapag freshie ka, alam mo yung iba’t ibang trivias tungkol sa school mo.

Anyway, pagpasok namin ni Bea sa Urdaneta, may narinig kaming mga babaeng nagtitilian. Tapos nagkumpol-kumpol sila dun sa may lobby.

“Anong meron? May artista ba?” Tanong ko kay Bea.

“Ewan ko. Tara, tingnan natin!”

Hinatak ako ni Bea papunta sa lobby. Pagdating namin dun, merong apat na lalaking sabay-sabay na naglalakad. As in maangas na lakad. Kala mo hari ng school. Ganito yung itsura nila sa malayo oh..

(-_(-_-)_-)_-)

Pa-star pa yung second to the left kasi medyo nauuna siyang maglakad kumpara sa iba.

“Sino yang mga yan?!” Bigla ko na lang nasabi in shock.

“Freshie ba kayo?” Tanong ni ate sa tabi ko.

“Opo.” Sagot namin ni Bea sa kanya.

“Ahh, kaya pala hindi niyo sila kilala. Sila yung Parking Five, also known as P5. Freshmen rin sila kagaya niyo.”

“Parking Five?” Sabi ko. “Eh bakit apat lang sila?”

“Tsaka bakit sikat kagad sila eh freshie rin naman sila?” Tanong ni Bea.

“Sikat kasi yung grupo nila sa highschool lalo na sa mga babae. Kahit na nanggaling sila sa all boys school, kilalang kilala pa rin sila dahil magaling yung banda nila. Tsaka lahat sila gwapo at mayaman. Tapos matagal na silang inaabangan ng mga babae dito sa school natin kasi bali-balita na noon pa lang na dito sila mag-aaral. Kaya apat lang sila ngayon kasi 4th year highschool pa lang yung isa nilang member.”

“Ahh, kaya pala.” Sabi ni Bea.

“Ano sila, boy band? Parang F4? Uso pa ba yun??” Makulit kong tanong.

“Hindi. Rock band sila kaya patok na patok sa high school girls.”

Tumango na lang ako. Papalapit na sila ng papalapit sa direksyon namin habang yung mga babae samin eh mistulang naeexcite pa lalo dahil sa kanila. Parang naging palengke yung school sa ingay ng mga babaeng ‘to. Buti hindi nagagalit yung management sa kanila.

“Ano palang pangalan nila?” Tanong ko out of curiousity.

“Yung nasa pinakakaliwa, si Katsumi Kabe. Yung nasa pinakakanan naman, si Lester Giri. Tapos yung katabi niya, si Seth Gothico. Yung medyo nauuna sa kanilang maglakad, yun yung leader nila, si Daniel Alcantara.”

“Alcantara? As in yung may-ari sa school??” -Bea

“Yup. Anak siya ng presidente.”

Wow. Nagulat ako sa sinabi ni ate. Bigatin pala ‘tong si Daniel Alcantara eh. No doubt siya yung leader ng gang nila. Yeah, gang na ang tawag ko sa kanila ngayon. Hahaha!

Nung malapit na talaga sila samin, nakakuha na ako ng magandang view ng mga mukha nila. Nanlaki yung mata ko nung makita ko sila ng malapitan. As in ganito O__O

“B-B-Bea!” Hinawakan ko yung braso ni Bea tapos ginalaw-galaw ko. “Siya yun! Siya yung lalaki sa steps kanina!”

“Ha? Sino??”

“Siya!!..” Tinuro ko yung lalaking naka-black leather jacket.

“..Si Daniel Alcantara!”

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now