Chapter 20

3K 78 19
                                    

A/N: Guys! Gusto ko lang malaman kung may nagbabasa pa ba nito? Medyo nalulungkot kasi ako sa number of reads and votes :( haha.Cinompare ko kasi sa Waiting Shed (yung 1st KathNiel fanfic ko), sobrang daming reads nun compared dito lol.

Paramdam naman kayo oh? Kahit vote lang. Gusto ko lang malaman kung may nakaka-appreciate ng mga sinusulat ko..

Maiksing update lang muna bilang malungkot ako. Haha sorry.

__________________________________________________________

Nakayakap pa rin sakin si Dj. Kahit na ilang beses na niya akong niyakap sa harap ng maraming tao, iba yung yakap na ‘to. Naramdaman kong totoo yung yakap namin ngayon. Hindi lang ‘to pagpapanggap. Kanino ba naman kami magpapanggap eh wala namang tao sa paligid?

“Bakit hindi mo sinabi sakin?” Tanong ko sa kanya habang nakayakap pa rin.

Bumitaw siya sa pagkakayakap. Tiningnan niya ako at sinabing “Nasan ka ba buong gabi?!” Hindi niya sinagot yung tanong ko.

“Bakit mo binayaran yung medical bills ni Mama?” Hindi ko rin sinagot yung tanong niya kaya napabuntong-hininga na lang siya.

“Dito ka na tumira. ‘Wag ka nang bumalik sa dorm mo. Tutal ang sabi ko rin naman kay Dad dito ka na titira. Edi totohanin na natin.” Nagulat ako sa offer niya.

“P-pero..”

“Wag ka nang umangal! Wala ka namang choice.” Tama siya. Wala naman akong mahanap na lilipatan. “Tsaka parte na rin ‘to ng pagpapanggap mo bilang girlfriend ko. O diba? Mas realistic na tayo ngayon!”

“Eh saan naman ako matutulog dito? Pano yung gamit ko? San ko ilalagay? Wala namang extra room dito eh.”

“Sa sofa ka matulog! Anong akala mo, patutulugin kita sa kwarto ko?! Asa ka pa noh!” Bwisit. Kahit kailan talaga. “Pati anong gamit pinagsasabi mo? Tingnan mo nga yang dala mo! Isang maliit na bag lang.”

Omg. Oo nga! Hindi ko pala nadala yung iba kong gamit nung nagmamadali akong umalis sa park kanina.

Tinawagan ni Dj si Seth para madala yung gamit ko dito at para ipaalam na rin na okay na ako. Ilang minuto pa lang ang nakalipas nung tumawag si Dj, dumating na sila dito.

“Kath! Okay ka lang ba?? San ka ba nagpunta?” Tanong ni Bea.

“Bigla ka na lang nawala. Nag-alala kami sa’yo.” -Barbie

“Okay lang ako. Pumunta agad ako dito nung nalaman ko yung ginawa ni Dj para sakin. Medyo natagalan nga lang ako kasi nilakad ko lang. Actually, medyo tinakbo ko pala. Hahaha!”

“Haay nako, ikaw talaga! Sana sinabi mo man lang samin.” -Barbie

“Sorry, nabigla kasi ako eh.”

“Oh Kathryn, yung gamit mo.” Inabot ni Seth yung gamit ko sakin.

“Salamat, Seth. Pasensya na kayo sa abala ha.”

“Wala yun noh! Para san pa’t naging girlfriend ka ni Dj? Siyempre kargo ka na rin namin.” -Seth

“Hoy, hoy, hoy!” Biglang singit ni Dj sa likod. “Akin lang yang si Kath! Kung maka-kargo ka ah.”

“Hindi ko naman inaangkin sa’yo si Kathryn! Ikaw talaga, ang possessive mo!” -Seth

Nag-makeface lang si Dj.

“Tama na nga yan! Mag-away pa kayo diyan eh.”

“Sige p’re, alis na kami.” Sabi ni Lester.

“Daniel, ikaw nang bahala kay Kath ha.” -Bea

“Oo naman!” Inakbayan niya ako. “Akong bahala sa Kathryn ko.” Sinabi niya sabay ngiti sakin. Psshh. Eto na naman yung pa-cute niyang ngiti. Ang galing nga namin magpanggap eh. Paniwalang paniwala sila na kami talaga ni Dj. Pwede na kami mag-artista! Hahahaha!

Pagkaalis nila, sabay na kaming kumain ni Dj. Parang nung unang araw lang na nandito ako sa condo niya. Pero ngayon, mas madaldal na kami kumain. Ang dami niya kasing kwento eh. Pagkatapos kumain, inayos ko na yung gamit ko. Naghanda na rin ako para matulog sa sofa.

“Anong ginagawa mo?” Tanong ni Dj.

“Matutulog na ko. Bakit?”

“Ano ka ba. Niloloko lang kita! Dun ka na sa kwarto matulog.”

“Ha? Eh pano ka?”

“Tabi tayo!”

WTF. Naloka ako sa sinabi niya kaya hindi ako naka-react. Bigla na lang siyang natawa.

“Joke lang. Ako na dito sa sofa, dun ka na sa kama.”

“Bakit?” Nagtataka pa rin ako. Ang bait niya yata ngayon.

“Anong bakit? Sa tingin mo talaga hahayaan kitang matulog sa sofa?? Girlfriend kita noh! Dun ka sa kama para kumportable ka.” Ay wow. In fairness, ang sweet niya.

Pumasok na ako sa kwarto niya para mag-ayos ng gamit. ‘Di ko alam kung bakit pero natutuwa ako sa fact na matutulog ako sa kama ni Dj.

Pagkahiga ko, biglang may kumatok sa pinto.

“Kathryn?” Sabi ni Dj sabay bukas ng pinto. Hindi ko naman ni-lock. Kwarto niya yun eh.

“Bakit?” Tanong ko habang nakahiga pa rin.

“Kunin ko lang yung unan ko.” Naglakad siya at umupo sa may paanan ng kama. Tinitigan niya ko. Napaupo tuloy ako.

Maya-maya bigla siyang lumapit sakin. As in nakaupo na siya halos sa tabi ko. Malalim pa rin yung tingin niya sa mga mata ko. Wala akong masabi, hindi ko alam kung anong ire-react ko. Unti-unting lumapit yung mukha niya sa mukha ko.

“D-Dj..” Kinakabahan kong sinabi.

Hinawakan niya yung mukha ko. Hindi ako makagalaw. Bumilis yung tibok ng puso ko. Pero parang tumigil yung oras nang bigla niya akong halikan sa noo..

“Good night.” Sabi niya sabay ngiti. Kinuha niya yung isang unan tapos lumabas na ng kwarto.

Ano ‘tong nararamdaman ko? Para akong lumulutang. Lumulutang sa tuwa.

_________________________________________________________

Ayan na. So promote ko na lang ulit yung Facebook group na ginawa ko for you guys. Please click the external link and join the group! ;)

Thanks. Sana may nagbabasa nito </3 huhu

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now