Chapter 23

2.8K 48 11
                                    

“Kathryn?”

Nagulat ako dahil paglingon ko, nakita ko si Katsumi sa entrance ng rooftop.

“K-Katsumi. Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya habang nagpupunas ng luha.

“Umiiyak ka ba?” Umiling lang ako.

“Nakita kasi kitang tumatakbo sa hallway kanina kaya sinundan kita.” Lumapit siya sakin. “Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?”

“Wala ‘to.” Sabi ko.

“May problema ba kayo ni Dj?” Hindi ako sumagot. “Ito oh.” Nag-abot siya sakin ng panyo.

“Salamat.” Pinunasan ko yung mata ko na may namumuo pa ring mga luha.

“Ano ba kasing nangyari?” Tanong niya ulit.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na nalaman na ng barkada niya na nagpapanggap lang ako bilang girlfriend ni Dj. Natatakot ako sa mga pwede niyang sabihin sakin. Alam kong mabait si Katsumi pero hindi ko pa rin kayang aminin yung nangyari.

“Tsaka ko na lang ipapaliwanag, Katsumi. Gusto ko munang mapag-isa.”

“Hindi. Sasamahan kita.”

Nagulat ako sa sinabi ni Katsumi. Usually kapag sa ibang tao mo sinabi na gusto mong mapag-isa, pababayaan ka na nila. Pero siya, hindi. Parang nabasa niya yung tumatakbo sa utak ko. Para bang alam niyang gusto ko talagang may kasama.

Sabay kaming bumaba ni Katsumi mula sa rooftop. Pagdating namin sa lobby ng Andrade, nakasalubong namin si Dj. Ang sama ng tingin niya sakin. Napako tuloy ako sa kinatatayuan ko.

“Kathryn!” Sigaw niya. “Sumama ka sakin.”

Hindi pa rin ako makagalaw. Nanginginig yung mga tuhod ko sa takot.

“Sinabi nang sumama ka sakin eh!” Nilapitan niya ako at hinila palayo kay Katsumi. Wala nang nagawa si Katsumi para pigilan si Dj.

“Aray ko Dj! Bitawan mo ako, nasasaktan ako!” Pero patuloy pa rin niya akong hinila hanggang sa makarating kami sa Elden. “Dj, ano ba! Bitawan mo ko sabi eh!”

Binitawan niya ako at humarap siya sakin.

“Ano bang problema mo?!” Naiinis kong tanong ko sa kanya.

Nagbuntong hininga siya tapos hinawakan niya yung magkabilang kamay ko. “Sorry na.”

ANO? Bakit siya nag-sosorry sakin?!

“Sorry na. Bati na tayo, please?” -Dj

Nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap. Napakurap na lang ako ng mata.

“Maki-ride ka na lang. Ang daming nakatingin oh.” Bulong niya sa tenga ko.

Sus! Yun lang pala yun! Nakakainis. Akala ko pa naman totoo na. BADTRIP. Isa na naman ‘to sa mga palabas niya. At ako naman si tanga, sumunod. Niyakap ko rin siya.

Sabay kaming umuwi ni Dj. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Nasa back seat kami tapos si kuya Ricky naman yung nagddrive. Hindi pa kami masyadong nakakalayo sa school nang basagin ni Dj yung katahimikan.

“Bakit mo kasama si Kats kanina?” Tanong niya sakin.

“Dj, pagtatalunan na naman ba natin si Katsumi?” Naiirita kong sinabi.

“Sagutin mo yung tanong ko!”

I gave him a deep sigh. “Nakita niya akong tumatakbo sa hallway kanina kaya sinundan niya ako papuntang rooftop. Tapos sinamahan niya ako hanggang sa bumaba na kami. Okay na?”

“Anong ginawa niyo sa rooftop?”

Ay nag-swimming siguro kami! Leche. Pati ba naman yun tatanungin niya??

“Bakit pati yun kailangan mong malaman? Nag-usap lang kami, okay?”

“Nag-usap? Sigurado kang yun lang yung ginawa niyo?” Tumingin siya sakin. “Alam na ba niya yung totoo kaya nakikipaglandian ka na sa kanya, ha?!” WTF. Eto na naman kami sa landian.

“Dj, ano bang problema mo?! Hindi ko sinabi sa kanya yung nangyari. Wala siyang alam sa nangyari. Ang alam niya, girlfriend mo ako. Ano, okay na ba? Masaya ka na?! At tsaka bakit ka ba ganyan eh kaibigan mo si Katsumi! Wala ka bang tiwala sa kanya??”

Natahimik na lang siya bigla. Hindi na siya kumibo hanggang sa makarating na kami sa condo niya.

Pagkalabas namin ng elevator, kinausap niya ako.

“Tuloy pa rin yung deal natin. Nakausap ko na sina Seth, Lester, at Julia. Hindi sila magsasalita. Kakausapin ko na lang rin si Katsumi. Ikaw bahala kung gusto mong sabihin kina Bea at Barbie pero hanggang dun na lang. Wala nang ibang dapat makaalam tungkol sa deal natin.”

Tapos pumasok na siya sa kwarto niya at nagkulong. Mag-isa tuloy akong kumain ng dinner.

Nung bangang 11pm na, akala ko sa sofa na naman ako matutulog. Maghahanda na sana ako nang biglang lumabas si Dj sa kwarto na.

“Patulog ka na ba?” Tanong niya.

“Oo. Bakit?”

“Halika na. Tabi tayo.”

“HA?!” Joke na naman ba ‘to??

Hinawakan niya yung kamay ko tapos hinila ako papunta sa kwarto niya.

“Wag ka nang maarte. Wala akong gagawin sa’yo noh!” -Dj

Hindi na ako nakatanggi kasi mapilit siya talaga. Pati kahit ganyan siya, may tiwala naman ako sa kanya. Ilang araw na rin naman kasi kaming nakatira sa iisang unit. Kahit papano, alam ko na ugali niya. Pati napansin niyo ba? Sobrang bipolar niyang tao! Pero nasanay na rin ako dun. Haaay. Things I do for Batman. Pshh.

Pagpasok sa kwarto niya, bigla siyang naglatag ng kumot sa sahig tapos naglagay ng unan at dun humiga.

“Oh, bakit nandiyan ka?” Nagtataka kong tanong.

“Gusto mo talaga tabi tayo noh?” Sinabi niya with his teasing voice. Nakakairita.

“H-hindi ah!”Pinipigilan kong mag-blush. Ugh. Nakakainis talaga siya!

Nginitian niya ko. Yung ngiting may halong pang-aasar.

“Diyan ka na nga!” Sabi ko sabay higa sa kama at talukbong ng kumot. Pinabayaan ko na siya dun sa lapag kasi hindi naman siya malalamigan. Carpeted kaya yung kwarto niya.

“Dito lang talaga ako! Babantayan kita.”

Wow ah. Ano na namang trip niya sa buhay?

“Good night! Sorry, wala kang kiss ngayon. Tiis tiis ka muna. Bleh!” -Dj

“Ewan ko sa’yo! Kiss mo mukha mo!” Masungit kong sinabi.

Aaminin ko, natuwa ako sa sinabi niya tungkol sa good night kiss. Ginawa na niya kasi yun dati diba? Alam kong nang-aasar lang siya ngayon pero kinilig pa rin ako ng konti. Hihi.

Haaaay. Eto na naman kami, back in our game na parang walang nangyari.

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now