Chapter 39

2.8K 60 62
                                    


A/N: Na-excite ako masyado sa pag-update kaya ngayon na lang instead of tomorrow hahaha. Sana magustuhan niyo! :) Ang tanong for this chapter:

Is this the start of SethRyn? ♥

__________________________________________________________


“Sabi ko na nga ba dito kita mahahanap eh.”

Napamulat ako nang marinig ko yung boses ni Seth. Based on my hearing sense, nasa bandang likod ko siya. Nandito ako ngayon sa conservatory, nakaharap sa Fountain of Tears at umiiyak. Kaya nga siguro ‘to tinawag na ganun kasi ang sarap umiyak dito. Pipigilan ko na sana yung pag-iyak ko kasi nahihiya ako kay Seth pero hindi ko magawa. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. Back hug. Yung tipo ng back hug na nasa may balikat ko yung mga braso niya, hindi sa bewang ko.

“Iiyak mo lang yan.” Sabi niya sakin. “Nandito ako para maging sandalan mo.”

Dahil sa sinabi niya, lalo akong naiyak at lalo naman niyang hinigpitan yung pagkakayakap niya sakin. Dinikit niya yung ulo niya sa ulo ko at halos makiliti na ko sa paghinga niya sa tenga ko.

“Wala akong pakialam kung sinong mahal mo... Basta ako mahal kita.”

Nagulat ako sa sinabi ni Seth. Hindi ko alam kung pano ako magre-react. Lumingon ako ng konti sa kanya.

“Mahal mo siya diba? Si Dj.” Napayuko na lang ako. “Nahalata ko naman yun.”

Hinarap niya ako sa kanya. Nakahawak lang siya sa mga braso ko habang ako naman, nakayuko pa rin.

“Alam mo bang lagi akong napapasaya ng mga ngiti mo?” Sabi ni Seth sakin.

Inangat ko yung ulo ko para tingnan siya sa mata. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso.

“Pero yung kalungkutan mo, yung pag-iyak mo..” Dahan dahan siyang tumingin sa baba habang ako, nakatingin pa rin sa kanya. “Lahat yun dahil kay Dj.”

Nangilid yung luha sa mga mata ko. Sobrang na-touch ako sa mga sinasabi ni Seth. Napatingin na rin ako sa baba tapos bigla niya akong niyakap ulit. This time, magkaharap na kami sa isa’t isa.

“Ako hindi kita sasaktan. Hindi ako papayag na makita kang malungkot at umiiyak."

Hindi pa nga halos nagsisink in yung sinabi sakin ni Dj kanina tapos biglang ito naman si Seth, umamin din. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa haba ng hair ko o maloloka sa gulong pinasok ko. Haaay. Ano ba ‘tong nangyayari sakin! Bakit ganito? Hindi ko ma-explain!

Dahil hindi pa ako ready na makita si Dj, nag-volunteer si Seth na dun na lang raw muna ako sa condo unit niya matulog. Pumayag na rin ako dahil may tiwala naman ako kay Seth pati wala na rin akong choice. Hindi naman pwedeng matulog kina Bea sa boarding house ko dati kasi mukhang may galit talaga sakin yung may-ari eh. Palayasin ba naman ako dahil lang sa isang buwang hindi nakabayad dati. Kaya eto ako ngayon, sa condo ni Seth. Hindi ko pa talaga kayang makipag-usap o makita man lang si Dj. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Sa ngayon, mas kampante akong makasama si Seth.

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon