Chapter 21

2.9K 55 17
  • Dedicated to Jessica Ruth Osias
                                    

A/N: Guys! Bago ang lahat, pa-like naman nung page ko sa FB hehe. Para makareceive kayo ng updates sa feed niyo about my stories :) Click niyo lang yung external link. Thank you!!! ♥

___________________________________________________________

Pangatlong araw na ngayon ng pagtira ko sa condo ni Dj. Pagpasok ko sa CR para maligo, nagulat ako sa nakita ko..

May matching toothbrushes at towels siyang binili para saming dalawa. Wala naman ‘to kahapon pati nung isang araw eh. Talagang pinanindigan ni Dj yung pagiging couple namin kahit na nagpapanggap lang kami. Kahit na hindi naman siya dito naliligo sa CR sa may kusina, nilagyan pa rin niya ng ganito. Nakakatuwa lang.

Nung magsisimula na akong maligo, bigla akong nadulas. Aray! Ang sakit ng paa ko HUHUHU. ‘Di ko napigilang sumigaw dahil sa sakit. Hindi ako agad nakatayo. Maya-maya, bigla na lang akong may narinig na kumakalabog sa pintuan ng CR.

“Kathryn! Kathryn, anong nangyari sa’yo?! Okay ka lang ba?! Nasan ba si Dj?!”

K-Ka-Katsumiiiiiii?! :O

ANONG GINAGAWA NI KATSUMI DITO?!

“Ui, Kathryn, buksan mo yung pinto!” -Katsumi

“T-teka.. ‘wag!” Naka-bathrobe lang ako omg. Please ‘wag mong bubuksan Katsumi!

Hindi niya yata narinig yung sinabi ko kasi bigla na lang niyang sinipa yung pinto.

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!” Sigaw ko habang nakabalot yung dalawa kong braso sa may dibdib ko.

Nanlaki yung mata ni Katsumi. “S-s-sorry.” Bigla niyang tinakpan yung mata niya at tumalikod.

Grabe! Nakakahiya!! Nakita niya akong nakahandusay sa lapag nang walang ibang suot kundi bathrobe! Oo, wala naman siyang makikitang hindi dapat makita pero nakakahiya pa rin!!!

“Anong nangyari?!” Rinig kong sigaw ni Dj na papalapit na sa CR.

“W-wala akong nakita p’re.” Sabi sa kanya ni Katsumi.

Oh no. Don’t tell me si Dj naman ang papasok dito?! Noooooooooooooooooooooooo! Hindi pwedeeeeeeeee!!!!

And then it happened.

Pumasok si Dj sa loob ng CR at nakita rin ako sa ganitong sitwasyon.

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!” Sigaw ko.

“Wag kang maingay!” Tinitigan lang niya ako.

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!” Sigaw ko ulit.

“Ano ba! Bakit ka sumisigaw?! Tumahimik ka nga!”

“Sa tingin mo ba gusto kong makita mo akong ganito?!” HUHUHUHU

“Ewan ko sa’yo! Tumayo ka na lang diyan.”

“Hindi ako makatayo. Ang sakit ng paa ko.” T________T

Napabuntong hininga na lang siya. “Kats, takpan mo muna mata mo. Dadalhin ko lang si Kath sa kwarto.”

Binuhat ako ni Dj papunta sa kwarto niya habang si Katsumi naman, nagtakip lang ng mata na parang bata. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ‘to sakin ngayon. Most embarassing moment of my life! Pwede nang pang-slambook! Grabe lang.

Nung binaba na ako ni Dj sa kama niya, hindi ko na napigilang umiyak.

“Oh, anong iniiyak-iyak mo diyan??” Masungit niyang tanong sakin.

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now