Chapter 14

3.1K 55 19
                                    

Kinabukasan, excited akong pumasok sa school. Ito na kasi yung huling araw na pagsisilbihan ko si Daniel. Pagkatapos nito, wala na yung Master and Angel. Magiging malaya na ako ULIT mula sa kanya!

Nung lunch break ko, pinapunta agad ako ni Daniel sa tambayan. Pagdating ko dun, nagulat ako kasi hindi na siya gumagamit ng crutches pati hindi rin siya naka-wheel chair.

“O, bakit naka-walking boot ka lang? ‘Diba dapat isang linggo kang naka-crutches?” Tanong ko sa kanya.

“Okay na ako. Hindi ko na kailangan nun.”

“Sus. Ayaw mo lang masira yung porma mo eh!” Sabi ni Lester.

“Tumigil ka nga! Eh kung ikaw kaya pagamitin ko ng crutches ko, ha?!”

“Tol naman, binibiro ka lang eh.” -Lester

“Hayaan mo na yan si Dj. Hassle kaya gumamit ng crutches.” -Seth

“Ang dami niyong sinasabi! O ano Kats, baka may sasabihin ka rin?”

“Bahala kayo diyan. Naglalaro ako dito eh.” Sabi niya nang hindi tumitingin sa amin. Madalas may sariling mundo si Katsumi kapag naaabutan ko siya sa tambayan. Pero kahit na ganun, siya pa rin yung pinakamabait sakin. Hindi tulad nitong Batman na ‘to. Haaay. Malas sa buhay.

“Tara Kathryn! Mag-lunch tayo.”

“Pinapunta mo pa talaga ako dito, kakain lang naman pala tayo. Edi sana pinadiretso mo na lang ako sa canteen diba?”

“Ano ka ba! Kaya ka nandito kasi kailangan ko ng alalay. Tingnan mo nga ‘tong itsura ko. Hindi ka ba naaawa sakin?”Sabi niya sabay puppy dog eyes, wtf. As if maaawa ako sa kanya. Tuwang tuwa nga akong nakikita siyang nahihirapan eh! Mwahahahahaha.

“Sige na, tara.”

Habang naglalakad kami ni Daniel galing sa tambayan, bigla kong naalala yung nangyaring pag-walkout niya kahapon.

“Daniel, ano ba talagang ginawa mo kahapon? Bakit hindi ka nagpapigil?”

“Kinausap ko lang si Julia.” Mabilis niyang sagot. Hindi ko akalaing ganun kabilis ko makukuha yung sagot sa tanong ko. Akala ko iinisin niya muna ako bago niya sabihin yung totoo.

“Ahh. Ganun ba?”

“Wag kang mag-alala, hindi ka na niya guguluhin mula ngayon.” In fairness, nakaramdam ako ng assurance sa sinabi niya.

Napangiti ako. “Salamat.”

“Wala kang bilib sakin eh!” Sabi niya.

Natahimik na lang ako. Bigla kong naalala yung sinabi sakin ni Julia bago nila ako kinulong sa storage room. Pati yung mga pinagsasabi ko kay Daniel nung araw na kumalat yung sulat. ‘Wala kang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao.’ Yan yung isa sa mga sinabi ko sa kanya noon. Pero ngayon, alam ko nang hindi yun totoo.

“Daniel, sorry. Akala ko kasi ikaw yung nagkalat ng sulat ko. Ang dami kong masasakit na sinabi sa’yo noon. I’m sorry.” Wala siyang sinabi kaya nagpatuloy lang ako. “May karapatan kang magalit sakin. Alam ko hindi mo ako mapapatawad kaya gawin mo na kung anong gusto mong gawin. Kahit saktan mo pa ko.”

Tumigil siya sa paglalakad dahil sa sinabi ko. Tiningnan niya akong mabuti. Mata sa mata. “Sigurado ka?” Tanong niya sakin. “Kahit saktan pa kita?”

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now