Chapter 3

3.8K 57 14
                                    

“Talaga?! Nakita niyo yung Parking Five kanina?!” Gulat na tanong samin ni Barbie nung uwian.

“Oo. Bakit kilala mo sila?” Tanong naman ni Bea.

“Sikat sila sa building namin eh! Lahat kasi sila taga-Fine Arts din.” -Barbie

“Seryoso? Ang cool naman nila! Anong course?” -Bea

“Sina Lester at Katsumi, VisComm as in Visual Communication. Si Seth naman, Painting. Tapos si Daniel, parehas kami! ID rin ang course niya.” -Barbie

Hanep. Artistic pala yung mga mokong. Akalain mo yun? Wala sa itsura nila ah. Pati ang alam ko mahirap daw makapasa sa Fine Arts kasi may talent examination pa. Tapos 3 hours daw yung exam na yun, puro drawing lang gagawin mo! Grabe, hindi ko keri yun.

“Ang dami mo na palang alam tungkol sa kanila.” Sabi ko kay Barbie.

“Usap-usapan kasi sila samin madalas eh. Tsaka classmates kami ni Daniel sa major subjects ko pero bihira lang siya pumasok.” -Barbie

Hmp. Purket anak ka ng presidente. Nalaman ko pa na siya yung bassist ng banda nila. Tapos si Seth daw yung lead guitarist, si Katsumi yung rhythm guitarist, at si Lester naman yung drummer. Yung highschooler siguro yung vocalist nila.

Nung highschool daw sila, lagi silang nagka-cut ng klase. Para raw silang mga gangster kung umasta, laging nagsisimula ng gulo. Pero kahit ganun, habulin pa rin sila ng mga babae. Binigyan pa nga sila ng nicknames ng fans nila eh: Batman (Daniel), Black Santa (Seth), Cyclops (Katsumi), at Captain Zildjian (Lester). Tapos si Daniel raw talaga yung pinakamatinik sa kanilang lahat! Haaay. Nakakaloka sila!

Ang dami pang kinuwento ni Barbie tungkol sa kanila pero hindi na ko masyadong nakinig. Hindi naman kasi ako interested sa kanila. Ang main concern ko lang talaga ngayon ay mahanap yung letter ko para kay Enrique.

“Girls, mauna na siguro kayong umuwi. Babalik lang ako sa Archi steps. Baka sakaling makita ko na yung letter.”

“Sige, ingat ka Kath.” -Bea

“Bye!” -Barbie

Habang naglalakad ako papuntang steps, biglang umambon kaya nilabas ko yung payong ko. Pagdating ko dun, nagsimula na ulit akong maghanap. Kung sansang sulok na yung tiningnan ko pero wala pa rin. Habang patuloy ako sa paghahanap..

“Miss, may hinahanap ka?” Tanong ng isang lalaking lumapit sakin. Hindi ko na tiningnan yung mukha niya kasi busy ako sa paghahanap.

“Mmm.”

“Ano yun? Tulungan na kita.”

“May hinahanap kasi akong su..” Teka parang familiar yung boses niya. Pag-angat ko ng ulo ko, nagulat ako sa nakita ko. Si Enrique! “..si. Susi!”

“Susi?” Tanong niya sakin.

“Oo.” What am I saying?! Mukha akong tanga dito. Bakit naman kasi of all people, si Enrique pa talaga!

Ngumiti siya. “Ako nga pala si Enrique.” Sabi niya sabay reach out ng kamay niya.

Alam ko, Enrique. Ikaw si Enrique Salvador. Nakipag-shakehands ako sa kanya.

Tinulungan na niya akong maghanap kahit umaabon. Maya-maya, bigla siyang napatingin sakin kaya tiningnan ko rin siya. Nagkatitigan kami tapos unti-unti siyang lumapit sakin. Omg. Anong gagawin niya?! Shucks, kinakabahan na ako. Nanginginig na yung mga tuhod ko.

“May insekto sa balikat mo.” Sabi niya sabay pitik nung kung anumang insektong nakita niya. Whew! That was close! “Dumidilim na. Kailangan mo na sigurong umuwi.”

Tumango lang ako tapos tumayo na siya at naglakad. Bago pa siya makalayo, tinawag ko siya. “Enrique!” Tumigil siya at lumingon sakin. “Ako nga pala si Ka –”

“Kathryn.” Nagulat ako sa sinabi niya. “Nakasama kita dati sa Youth Camp nung highschool. Hindi mo na siguro natatandaan.”

Napangiti na lang ako. “Ahh.. sige.. ba-bye.”

Nag-wave siya sakin tapos umalis niya. Grabe, hindi ako makapaniwalang natandaan niya ako at alam niya pa yung pangalan ko! All this time akala ko hindi na niya ako kilala. Sobrang kinilig ako pag-alis niya. Hindi ko napigilang magtatatalon sa tuwa. Hihihi.

Masaya akong umuwi ng bahay dahil kay Enrique. Sobrang GV ko lang buong weekend. Yipeee! Magkikita kaya kami ulit next week? :”>

Pagdating ng Monday, maaga akong pumasok sa school kasi excited ako. Baka sakaling makausap ko ulit si Enrique. Konti pa lang yung tao ng ganitong oras, hindi kasi uso ang 7am class dito samin eh. Naglalakad ako sa may lobby ng Urdaneta nang bigla kong makita si Daniel Alcantara sa tapat ko. Nainis lang ako sa presence niya kaya tumalikod ako at naglakad sa opposite direction. Hindi pa ko nakakalayo ng biglang..

“May nawawala ka bang gamit?” Tanong niya.

Napatigil ako. Ako ba yung kausap niya?

“To Enrique Salvador. From Kathryn Maralit.” -Daniel

O-M-G. You must be kidding me!!! Nasakanya nga! O__________O

Hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko. Sinubukan ko munang ngumiti tsaka ako humarap sa kanya. Ang laki ng ngiti ko, kunwari hindi ako naaapektuhan. Pagtingin niya sakin, biglang siyang natawa. Yung nang-aasar na tawa. Grrr. Nakakainis!! Nakita kong hawak niya yung letter tapos dinidisplay pa niya sakin. Unti-unti akong naglakad papunta sa kanya ng nakangiti pa rin. Nung malapit na ako sa kanya, tinapat niya sa mukha ko yung sulat.

“That’s my letter. Thank you.” Sabi ko. Kukunin ko na sana sa kanya nang bigla niyang inangat yung letter. Hindi ko maabot!

Tiningnan niya ko sa mata. “Anong thank you pinagsasabi mo diyan?”

“Ha?”

“Okay ka lang? Tingin mo ba pupunta ako sa school ng ganito kaaga para lang ibalik sa’yo ‘tong sulat na ‘to?!” Tapos nag-evil smile siya. Nakakatakot! “Mula sa sandaling ito, magiging utusan kita. Gagawin mo lahat ng gusto ko.

“Anong sinabi mo?!”

“From now on, you’ll me my property.” WHAT?!

“Nagbibiro ka ba?! Akin na yung sulat ko!” Sigaw ko sa kanya habang pilit na inaabot yung letter. Nakakainis naman. Bakit kasi ang tangkad niya sakin?!

Tumawa lang siya. “Hindi mo yata naiintindihan yung sinasabi ko.Napatigil ako sa pag-abot nung letter. Pano kung ipa-xerox ko ‘tong sulat na ‘to, gumawa ako ng maraming maraming copies tapos ikakalat ko sa buong school! Magugustuhan mo kaya yun?”

Xerox. Maraming copies. Ikakalat. Sa buong school?!?! NOOOOOOOOOO! Kapag nangyari yun, malalaman ng lahat yung tungkol kay Enrique! Hindi pwedeeeeeeeeeeeeee!!!

“Ano sa tingin mo mangyayari kapag ginawa ko yun?” Patuloy niya. Grabe, hindi pa siya nakuntento sa mga pinagsasabi niya sakin!

Napabuntong-hininga na lang ako. Wala na kong magagawa sa demonyong ‘to.

I saw him smirk. “Freshman ako. Industrial Design ang course ko. Hindi mo naman ako kailangang tawaging ‘master’. Kahit ‘Daniel’ na lang ang itawag mo sakin.” Sabi niya sabay ngiti.

I can’t believe it! This can’t be happening to meeeeeee!!! -____________-

I'M BATMAN’S PROPERTY.

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now