Chapter 5

3.6K 56 10
                                    

Inutusan ako ni Daniel na mag-bake ng cream puffs para sa kanilang apat. Buti sana kung konti lang kaso ang dami niyang pinagawa! Pwede nang isang linggong stock para sa isang pamilya! Sige OA, pero, gets niyo? Nakakairita. Purket nalaman lang niya na marunong akong mag-bake, pinahirapan na ako agad. Binigyan pa ako ng time limit kaya nagmamadali akong naglakad papunta sa tambayan nila.

By the way, matino yung itsura ng tambayan nila. Bilang mga Fine Arts major sila. Siguro sila nag-design nung room. Masarap tumambay dun actually. Naka-aircon, may lounge, pwedeng matulog, pwedeng kumain kasi may table. Lahat na yata pwede mong gawin dun eh.

Pagkapasok ko sa Rada, may humarang sakin na isang babaeng hindi ko nakikilala.

  

“Anong kailangan mo?” Tanong ko sa kanya. Hindi kasi siya umalis sa harap ko.

“Layuan mo si Dj.” Matapang niyang sinabi sakin.

“Ha?”

“Ang sabi ko.. LAYUAN MO SI DJ!” Sigaw niya sabay tabig ng dala ko. Nahulog tuloy sa lapag.

Pinulot ko yung isang box pero biglang sinipa nung babae.

“Ano bang problema mo??” Sabi ko sa kanya sabay tayo.

“Tigilan mo yung pagdikit mo kay Dj, wala kang karapatan! Tsaka sino ka ba? You’re a nobody. Pagsasawaan ka rin niya. Isa ka lang laruan sa kanya.”

 

“Bakit? Ano bang masama sa pagdikit ko sa kanya ha? Eh kung binalik niya sakin yung sulat ko, hindi naman mangyayari ‘to!”

 

“Sulat?” Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy lang siya. “I’m warning you. Kapag hindi mo pa siya nilayuan, ako ang makakalaban mo!”

“Kathryn, anong problema?” Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot si Enrique.

Tiningnan siya saglit nung babae tapos bumalik yung tingin niya sakin. Tinitigan niya ako ng masama tapos tumalikod at umalis. Bumalik ako sa pagpupulot ng mga box.

“Anong nangyari? Okay ka lang ba?” Tanong niya sakin habang tinutulungan ako sa pagpulot.

“Wala yun. Okay lang ako.”

 

“Bakit ang dami mong dala? Gusto mo tulungan na kita?” Alok niya.

“Ay naku, hindi na! Ako nang bahala dito.” Baka kung ano pa mangyari kapag nakita nung demonyong yun na sinamahan ako ni Enrique eh.

“Ganun ba? Sige. Una na ko ah.” Ngumiti siya sakin tapos umalis na.

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now