Chapter 15

3.1K 52 13
                                    

Pano ko kakausapin si Enrique? Pano ko ipapaliwanag sa kanya yung nangyari kung iniiwasan niya ako? Hindi siya nagrereply sa mga text ko at hindi rin sumasagot sa tawag ko. Sinubukan ko siyang abangan sa Rada pero nabigo lang ako.

Habang naglalakad ako sa Elden, nakasalubong ko siya. Nagkatinginan kami.

“Enrique.” Sinabi ko ng mahina.

Akala ko ito na yung chance ko para makausap siya pero nilampasan lang niya ako. Dinaanan niya ako na parang hindi niya ako narinig o nakita man lang. Pakiramdam ko invisible ako sa kanya. Ang sakit. Ngayon lang naging cold sakin si Enrique.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kaya humingi ako ng tulong kina Barbie at Bea.

"Puntahan mo si Enrique sa training nila." Suggest ni Barbie.

"Oo nga. Baka sakaling makausap mo na siya dun." -Bea

"Ano namang sasabihin ko? Pano ko ipapaliwanag sa kanya yung nangyari?"

"Edi sabihin mo lang yung totoo." -Barbie

"Maiintindihan naman yun ni Enrique diba? Dapat maintindihan niya. Wala ka namang kasalanan sa nangyari eh." -Bea

Tama sila. Kapag naipaliwanag ko na kay Enrique yung nangyari kanina, sigurado ako, maiintindihan niya yun. At isa pa, hindi ko naman ginusto yung nangyari. Nabiktima na naman ako ng Batman na yun!

"O, ano pang hinihintay mo?" Naiinip na tanong ni Barbie.

"Teka lang. Kinakabahan ako eh. Matatanggap kaya niya talaga yung sasabihin ko?"

"Hay nako. Kung ayaw mong kausapin si Enrique, ako ang kakausap sa kanya!"Sabi ni Barbie sabay alis.

Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko alam kung susundan ko ba siya o hindi. Buti na lang hinila ako ni Bea.

"Tara na, Kath!" -Bea

Pagdating namin sa court, nakita kong kausap ni Barbie si Enrique. Hindi ko alam kung anong sinabi niya pero bigla silang tumingin sakin.

Dahan dahan akong lumapit kay Enrique habang pina-practice ko sa utak yung sasabihin ko.

Finally, nung katapat ko na siya.. "Enrique, pwede ba tayong mag-usap?"

"May training ako. Wala akong panahon para diyan."He said coldly sabay walkout.

"Teka lang!" Sinundan siya ni Barbie. "Bakit ang bastos mo?! Nilakasan na nga ni Kath yung loob niya para lang maipaliwanag sa'yo yung nangyari tapos tatalikuran mo siya ng ganyan?! Alam mong ikaw ang gusto niya. Biktima lang siya ni Daniel."

"Oo nga. Nasaktan din si Kath sa nangyari! Sana man lang pakinggan mo yung sasabihin niya." Sabi ni Bea na hindi umalis sa tabi ko.

Hindi sumagot si Enrique.

"Hmp. We thought you were the good guy." Hirit ni Barbie.

"Problema niyo na yun!" Galit na sinabi ni Enrique. "Tapos na ba kayo? Marami pa kong gagawin." Tapos umalis na siya.

Naiwan kaming tatlo na hindi makapaniwala sa nangyari.

"Totoo ba yung nakita ko?" Sabi ni Bea. "Enrique just blew his cool."

Kinabukasan, umagang umaga pa lang, sira na araw ko. Nakasalubong ko si Daniel kasama ang Parking Five sa Elden. Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy lang sa paglalakad pero laking gulat ko ng bigla akong harangan ni Daniel.

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now