Chapter 49

1.5K 46 48
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Bago ang lahat, gusto kong humingi ng paumanhin sa sobrang tagal ng update ko. Marami lang talagang nangyari sa buhay ko in the past months at naging busy rin kasi sa school. You know naman, 5th year na ang atey niyo hahaha. Gusto ko rin magpasalamat sa mga matiyagang naghintay para sa update na 'to. Mahal ko kayo!!! Sobrang salamat talaga at hindi niyo sinukuan ang storyang 'to ♥♥♥

Para sa mga twitter addict diyan, follow niyo lang ako! @empressreena :)

Tapos yung mga hindi pa rin member ng Facebook group ng Dreamers, sali na kayo ha! Check niyo lang yung external link ;)

O siya, hindi ko na 'to patatagalin pa. Eto na ang pinakahihintay niyong update...

____________________________________________________________

Daniel’s POV

Nauna na kaming umuwi nina Lester at Jc. Sinamahan muna nila ako sa condo para magpalamig ng ulo. Umupo kami sa sala at dun na nagsimula yung kwento.

“Dj, ano ba kasing nangyari? Bakit kayo nagtalo ni Seth?” Tanong ni Les.

“Nakita niyang hinalikan ko si Kath.”

“ANO?!” Sabay na nag-react sina Les at Jc.

“Bakit mo naman ginawa yun, kuya??”

“Hindi ko na mapigilan yung sarili ko eh. Alam ko namang gusto niya pa rin ako pero bakit ayaw niya pang aminin? Ang labo kasi eh! Kung kailan handa na nga akong ipaglaban siya, siya naman yung may ayaw ngayon??”

“Pano mo naman nasabi na gusto ka pa rin niya?” -Les

“P’re hindi naman ako manhid.” Sabi ko kay Les. “Pati sinabi niya sakin last week.. unconsciously.”

“Unconsciously?” -Les

 

“Sinabi niya habang natutulog.” 

Nag-iba yung expression sa mukha nila. Yung tipong ‘wtf??’.

“Na-confirm ko naman kanina eh.” -Dj

“Pano?” -Jc

“Nung nag-usap kami. Sinabi ko sa kanyang handa na akong ipaglaban siya pero tumanggi siya kasi ayaw niyang masaktan si Seth.” 

“Nako Dj, mahirap yan. Kailangan niyong ayusin yan kung hindi, pare-pareho kayong masasaktan.” -Les

“Ano balak mong gawin, kuya?” 

I'm BATMAN's PropertyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora