Chapter 34

2.7K 43 22
                                    

“Kamusta na siya?” Tanong ni Katsumi.

“Ayun, ginagamot na yung mga sugat niya.”

Nandito kami ngayon ni Kats sa ospital. Ayaw ipaalam ni Seth kay Dj yung nangyari dahil sigurado raw na reresbakan sila ni Dj. Ayaw ni Seth ng gulo. Ang sabi niya, kausapin na lang muna namin si Lester para malaman kung anong koneksyon niya sa mga lalaking yun bago namin sabihin kay Dj yung nangyari.

Ang problema ko na lang ngayon, pano ko ipapaliwanag kay Dj yung natamo kong galos kanina dahil sa pagtulak sakin nung isang lalaki? Ano kayang pwede kong idahilan sa kanya? Lampa ako kaya nadapa ako, ganun? Haaay. Pwede na siguro yun.

“Ano ba kasing nangyari?” -Kats

“Bigla na lang kaming hinarang ng apat na lalaki kanina tapos pinagtulungan nila si Seth.”

“Kilala mo ba yung mga yun?”

“Hindi. Pero bago nila kami saktan, tinanong nila kung kaibigan ba kami ni Lester.”

“Anong kinalaman ni Lester dito??” Nalilitong tanong ni Kats.

“Hindi ko rin nga alam eh.”

“Haaay. Buti na lang hindi pa ‘to nakakarating kay Dj. Siguradong gulo na naman kapag nangyari yun.”

Pareho sila ng iniisip ni Seth. Mukhang alam na alam na nila yung ugali ni Dj pagdating sa pakikipag-away ah.

Maya-maya, dumating na rin si Julia sa ospital.

“Anong nangyari?? Is Seth okay??” Nag-aalala niyang tanong.

“Relax ka lang, Jules. Okay na siya. Nagamot na yung mga sugat niya.” -Kats

“Alam na ba ni Dj ‘to?” -Julia

“Hindi pa namin sinasabi sa kanya.” -Kats

“That’s good.” Sabi ni Julia. “Kathryn, mabuti pa sigurong umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ni Dj. Kami na ni Kats bahala kay Seth.”

“Sige. Balitaan niyo na lang ako.”

Nagpaalam na ako sa kanila tapos dumiretso na sa condo ni Dj.

Pagdating dun, napansin niya agad yung galos ko sa may siko.

“Napano yan?” Tanong niya.

“Wala. Nadapa lang ako.” Sana lumusot.

“Ano ba yan. Ang lampa mo na naman!” Ayos. Naniwala siya. “Patingin nga.”

Lumapit siya sakin tapos hinawakan yung braso ko. Nagulat na lang ako kasi bigla niyang tinanggal yung gauze.

“Oh, bakit mo tinanggal?!” Reklamo ko.

“Ang pangit ng pagkakalagay eh! Halika rito, lalagyan ko ng bago.”

Ay sus. Gusto lang pala niyang siya yung maggamot sa sugat ko. Dami pang sinasabi. Itong Batman na ‘to talaga. Hindi ba niya kayang maging sweet nang hindi nagsusungit o kung anuman? Haha kainis.

“Oh ayan, okay na!” -Dj

“Salamat.”

“Sayang wala ako kanina. Natawanan sana kita nung nadapa ka.”

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now