Chapter 48

2.2K 76 83
                                    

A/N: Fresh from the oven! Haha. KathNiel + SethRyn naman <3

________________________________________________________

Nandito kaming lahat ngayon sa debut ni Julia maliban kay Seth. Bukas pa kasi yung uwi niya galing immersion eh. Pati parents ni Julia nandito rin. Nag-leave muna sila from work kasi siyempre, 18th birthday ng unica hija nila.

Habang kumakain kami ng dinner, napansin kong kanina pa tingin nang tingin si Dj sakin. Medyo nacoconscious na nga ako eh. May dumi ba ako sa mukha? May mali ba sa itsura ko? Bakit kanina pa niya ako tinititigan? Hindi na nahiya kay Barbie na katabi niya ngayon.

Nung nag-party party na, bigla siyang lumapit sakin at hinila ako papunta sa may CR kung saan wala masyadong tao.

“Anong meron, Dj?” Tanong ko sa kanya. “Bakit mo ko dinala dito?”

“Hanggang kailan ba tayo magtitiis sa ganito, Kath?”

“Ha??” Naguguluhan kong sinabi.

“Hanggang kailan ba tayo magpapanggap na wala tayong nararamdaman para sa isa’t isa??”

Nagulat ako sa sinabi niya. San ba ‘to nanggaling? Bakit bigla na lang lumalabas ngayon?

“Dj.. Anong.. Anong ibig mong sabihin?”

“Nung hinatid kita sa inyo nung isang araw, sinabi mo saking mahal mo ako. Guni-guni ko lang ba yun?”

“T-teka. Wala akong natatandaang sinabi ko yun.”

“Pano, tulog ka yata nung sinabi mo eh.”

OMG. ‘Wag mo sabihing.. Sht! Akala ko nananaginip lang ako nun!!! Totoo pala. Nasabi ko kay Dj na mahal ko siya O_____________O

“Pero hindi mo naman sasabihin yun kung wala lang, diba?? Hindi mo naman sasabihin kung hindi totoo.” -Dj

Wala akong masabi. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.

“Kathryn, ano ba?!” Naiinis niyang tanong. “Dati tinanong kita kung mahal mo na ba si Seth, sabi mo oo. Kaya nag-back off na ako. Pero bakit ganun? Bakit bigla mong sasabihin sakin na mahal mo ako?? Kath, ano ba talaga??”

“Dj tama na..”

“Ano bang gusto mong mangyari, ha? Hindi ko na talaga kaya yung ganito eh! Pakiramdam ko anytime sasabog na ako.”

“Tama na kasi..”

“Gusto mo bang sabihin ko rin sa’yo na mahal kita? Yun lang ba hinihintay mo?? Kasi kung yun lang, edi eto na! Sasabihin ko na! Mahal kita, Kathryn! Mula noon, hanggang ngayon. Mahal kita! Hindi na ko tumingin sa ibang babae mula nung makilala kita.”

Namumuo na yung luha sa mga mata ko. Hindi ko kinakaya yung usapan namin.

“Pero pano si Barbie? Akala ko ba –”

“Hindi kami ni Barbie!” Agad niyang sinabi. “Sinubukan ko naman eh. Sinubukan ko namang magustuhan siya. Akala ko kapag ginawa ko yun, makakalimutan na kita. Pero hindi eh. Ikaw pa rin, Kath.”

“Pero Dj, si Seth..”

Bigla niya akong niyakap nang mahigpit.

“Kath, sabihin mo lang! Sabihin mo lang sakin na ipaglaban kita, gagawin ko! Handa akong isakripisyo yung pagkakaibigan namin ni Seth kung ang kapalit nun ay yung kaligayahan nating dalawa. Gagawin ko lahat maging akin ka lang ulit, kung yun ang gusto mo.”

I'm BATMAN's PropertyWhere stories live. Discover now