Chapter twenty nine

24 1 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

Pack your things because we're going somewhere on Saturday. Hindi na tayo pupunta ngayon kung saan, I'm sure you're gonna like that place.

Yes, it's Saturday today.

Excited talaga ako, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong naayos ni isang gamit na dadalhin.

Hindi ko rin kasi talaga alam kung ano bang mga kakailanganin ko. Wala akong ideya sa kung saan kami pupuntang dalawa ni Wendel.

Hindi ko alam kung kailangan ba naka sports wear ako. Baka kasi mamaya sa soccer field na naman niya ako dalhin.

Hindi ko alam kung kailangan ko bang magdala ng flash light dahil baka mayroon na naman siyang sorpresa sa madilim na lugar.

Literal lang akong nakaupo sa kama at nakatingin sa maleta na nasa harapan ko.

Maging ang maleta ay hindi ko alam kung akma ba na dalhin sa kung saan man kami pupunta.

Naisip ko kasi na baka malayo ang lugar ng pupuntahan namin kaya nasabi niya na mag-impake ako.

Imposible namang malapit lang ang lugar na bibisitahin namin kung gano'n.

Kahit na nag-aalinlangan ay isa-isa ko pa ring inilagay ang mga importanteng gamit na alam kong maaring kong kailanganin.
Syempre mga damit at hygiene kits and una sa mga 'yun.

Nahiya na akong tanungin si Wendel tungkol sa plano niya kaya wala akong choice kung hindi manghula at magkaroon ng napaka labong ideya.

Nagpasya akong tumayo at pumunta sa banyo after I packed my things.

Tulad ng nakasanayan ay dala-dala ko ang phone ko hanggang sa pagligo, nakapatong lang iyon sa pasamano.

Kahit pa may sabon ang aking kamay ay paulit-ulit ako sa pagbisita sa aking telepono kung mayroong message si Wendel.

May mga pagkakataon pang napapangiti ako sa tuwing iisiping baka naghahanda na rin siya at nasasabik din sa kung saan mang lugar niya ako dadalhin.

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na agad ang damit na inihanda ko na kanina. As usual, it's a simple shirt, pants and sandals. Wala naman  bago do’n.

Nang matutok ako sa salamin ay marahan akong pumustura pakanan at ganon din sa kabilang anggulo. Kinuha ko ang suklay at itim na pamuyod upang ipusod ang aking buhok at naglagay ng kaunting pulbos sa aking mukha.

Hindi na sumagi sa akin ang paglalagay ng pangulay labi o kung ano man dahil hindi ako komportable doon.

Ngumiti ako sa salamin at kinumbinsi ang sarili na iyon ang totoong Keesha.

That's the real Keesha. I said to myself while curving my lips slowly.

Hila-hila ang aking maleta ay agad akong nagtungo sa pintuan ng silid ni Ella.

"Ell?" Mahina ang naging pagkatok ko sa pintuan sapagkat ayaw kong bulabugin siya kung sakaling hindi pa siya gising.

Isinandal ko pa ang aking tenga at pisngi sa pintuan upang pakinggan kung gising ba siya.

Muntikan na akong mawala sa aking balanse nang biglang bumukas ang pinto.

"Ano 'yun?" Napakalamig pa rin ng pakikipag-usap ni Ella sa akin.

Kahit pa halatang kagigising lang niya ay hindi iyon ang tono na gusto kong marinig. Nakahawak lang siya sa doorknob at sa ano mang oras ay alam kong isasara niya iyon kung hindi pa ako magsasalita.

"Ahhh ehhh"

"Ah eh? Ginising mo ako para sabihan ng ah eh?" Mas lalo akong nataranta sa naging pagsagot ni Ella.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now