Chapter sixteen

20 1 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

This day should be productive. I should set aside my dramas. I will live my life the way I did before and focus on something that can put me away from negative thoughts.

Diretso lang ang  pagkakatingin ko sa daan habang naglalakad sa hallway, suot ang earphones ko nang hindi ko inaasahan ang aking makikita.

Is that Wendel?

Kahit malayo pa ako sa kinaroroonan ng lalaking natanaw ko ay nasisiguro kong siya iyon.

He’s leaning against the wall of the registrar’s office and is straight-focused on the other room in front of him.

He’s captivating the eyes of most of the students, as everyone that notices him lends their time to extend their gaze.

I turned back hastily and changed my path.

Anong ginagawa n'ya rito?

Biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi ko na nagawa pang ibaling muli ang paningin ko kay Wendel.

Alam kong mas mapapalayo pa ako kung sakaling sa kabilang building ako dadaan pero I have no other choice.

I can't pass along that hallway. Matapos ang limang minuto ay narating ko rin ang room ko para sa aking ikatlong klase.

As expected, I'm sitting at the back with no one. Wala talaga akong kaibigan sa kahit sa alin mang subject na meron ako, and it's really weird.

May nakakausap naman ako pero it is just a casual conversation like everytime na merong gagawin lang for activities and such.

"May I sit beside you?"

Tango lang ang naisagot ko sa lalaking nagsalita.

Hindi ko na rin pinansin pa kung sino mang naupo sa tabi ko nang maalala ko na may reaction paper nga pala kaming ipapasa for this period.

Ang alam ko lang ay kaklase ko s'ya.

Nasaan na ba 'yung ballpen ko rito?

Plano kong mag hand written na lang at humingi ng consideration sa teacher namin dahil printed dapat ang reaction paper namin or soft copy from drive.

"Hey I'm Kyla." Napasulyap ako kay Kyla nang maarte itong nagpakilala sa katabi ko mula sa unahan ng row na kinauupuan namin.

Nawala sa isipin ko ang pagkataranta sa reaction paper.

Hindi ko pa rin sinusulyapan ang lalaking kausap niya na nasa tabi ko lang ngayon.

Kilala ko na siya kaya hindi ko na nagawang sulyapan pa ito. Aninag ko siya sa peripheral ko.

How is it possible?

"I'm Brile."

"It's nice meeting you," maarte pa ring saad ni Kyla.

Hindi na siya nakatanggap ng sagot.

Bahagya akong yumuko at sinadya kong iharang ang buhok ko sa aking mukha.

Itinuon ko ang aking mga siko sa desk habang sapo ng aking mga kamay ang parteng sintido.

I'm disgusted.

Hindi ko napigilang mapailing.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malingon ang katabi ko at wala naman ata rin siyang balak na gawin 'yon.

Pinakikiramdaman ko ang mga kilos niya at tila ba normal lang naman sa kanya ang lahat.

Dumating na si Sir Quizon, one of our teachers sa minor kaya nataranta ang lahat sa kanilang mga pwesto.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now