Chapter thirty one

25 1 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

Ito na yata ang pinakamasakit na paghakbang na gagawin ko sa buong buhay ko.

Ang tunguhin ang lugar kung saan mapayapang nagpapahinga ang unang lalaki ng aking buhay.

Every step I took seemed so heavy.

Seeing my father's picture showing a wide smile with a coffin beside it. Hindi ko kayang lumapit, pero kailangan. Hindi ko gustong magkita kami sa ganitong paraan.

Everyone inside the funeral wake was looking at me. Nandon din si Kylle, Ella at maging si Wendel but I didn't care.

All I did was take steps towards my beloved father.

Nang masulyapan ko si Daddy ay doon na bumuhos ang luha ko.

Bakit kailangan na magkita kami sa ganitong sitwasyon?

Nagsimula kong isipin ang mga bagay na dapat ay ginawa ko noon. Nagsimula akong magsisi na hindi ko man lang nagawang ibaba ang sarili para magkausap ulit kami at hindi ang magkita na mayroong nakaharang na pader, ang buhay.

How can we possibly have father and daughter talk now?

How can we cherish the moments together?

How can I dance with him?

How can I make coffee for him?

How can I experience sitting down on his lap?

How can I sleep beside him?

How can I kiss him?

How can I make him proud?

How can I say I love you and receive that phrase back?

"Dad, how could you leave me this way? Hindi pa ako nagiging guro. I actually planned to come to you and ask for forgiveness, but I want to make that happen after I get my diploma.

Gustuhin ko mang sumigaw ay nagawa ko na lamang iyong ituran sa mahinang paraan.

"A-ang daya m-mo." Hindi na naging maayos ang pananalita ko dahil sa sunod-sunod na hikbi. "Hindi ko pa naririnig mula sa'yo na sabihin mong, I-I'm proud of you a-anak. I-I'm p-proud of you Ke-Keesha."

Dahan-dahan kong hinawakan ang salamin ng kabaong at mula roon ay dinama ang presensya ng aking ama. Dahil sa nakatungo kong pinagmasdan si Daddy ay mas lalong hindi nagpaawat ang pagtulo ng mga luha ko.

Lumapit sa akin si mommy. "A-anak, I know your dad may not be the perfect father, but atleast he tried. May sasabihin ako sa'yo. Maupo muna tayo do'n anak?"

Sa totoo lang ay hindi ko kayang umalis sa tabi ni Daddy ngayon at kung pwedeng manatili lang ako rito hanggang sa araw ng libing niya ay gagawin ko just to be with him for the last chance I could get.

"Hindi Mom, dito lang ako."

"Pero may kailangan kang makilala."

"Kahit sino pa s'ya, basta rito lang ako." Desidido akong hindi iwan si Daddy.

"Sige anak. S’ya na lang ang papuntahin ko rito."

Tulad nang sinabi ko ay wala akong pakialam sa kung sino man ang taong kailangan kong makausap.

Wala akong oras para sa iba ngayon.

"Keesha."

Malumanay na kumapit sa balikat ko si Mommy nang balikan ako. Alam ko na kasama na niya ang sinasabi niyang kailangan kong kausapin, pero hindi ko ito sinulyapan.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now