Chapter seven

48 7 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

"Oh bakit ang aga mo?"

Si Ella agad ang bumungad sa akin nang makapasok ako ng bahay. Kung kanina nawala ang mga bagay na gumugulo sa akin dahil kay Kris, lahat ngayon ay bumalik.

"Uyyy! Sabog ka ba?"

"Wala na akong trabaho," malamig kong tugon.

"Ha?" pasigaw na tanong ni Ella. Ang over acting talaga kahit kailan.

"Bakit? Anong nangyayari?"

"Pumalpak ang ate mo."

Tinapunan ko siya ng pekeng ngisi at pabagsak na umupo sa upuan. Lumapit din siya sa akin at naupo sa harapan ko.

"Magkwento ka naman."

"As if naman na ang sarap ikwento ng mga nangyari sa'kin ngayong araw."

Napuno ng sarkasmo ang paraan ko nang pagsagot at kapag gano'n ay alam kong wala akong gana na pag-usapan ang ano mang bagay.

"Ano ka ba naman? syempre share-share rin, ano ba 'ko sa’yo ha? Para sa'n pa na magkaibigan tayo."

Ang dami niyang sinasabi, tsismis lang naman ang habol n'ya. Para namang hindi ko siya kilala.

Dapat kanina pa akong nandito kaso may dinaanan pa ako." Kinuha ko ang garapon at termos. Kailangan kong magkape para ma-relax naman ako kahit papaano. "May asukal pa ba?" baling ko kay Ella.

"Yan ba ang gusto kong marinig ha?

Hindi na nakapagtimpi si Ella at lumabas agad ang kamalditahan niya.

"Ang tinatanong ko ay kung bakit ka natanggal sa trabaho. Saka isa pa, wala ng asukal at hindi na rin mainit ang tubig d'yan sa termos kaya 'wag ka nang magkape. Sagutin mo na lang ang tanong ko."

Hindi ko alam kung dapat ko bang ikwento kay Ella na nagkita na kami ni Wendel at sabihing s'ya ang dahilan kung bakit wala na akong trabaho ngayon.

Wala talaga ako sa wisyo para makipag-usap ngayon sa napaka balakatak na babaeng ito sa harapan ko.

Hindi mo siya pwedeng hindi sagutin dahil siguradong lalong hindi matatapos ang mga tanong n'ya.

"Hayaan mo makakahanap din ako ng bagong trabaho." Tinatamad ko itong sinulyapan habang nilalaro ang garapon ng asukal.

"Alam mo Keesh, hindi ka na nakakatuwa, magkwento ka naman kasi." Inagaw niya ang garapon ng asukal na hawak ko at itinaktak iyon sa lamesa kasabay ng pagsaltik.

Hindi talaga siya titigil kaya napag pasyahan kong magkwento na lang sa kanya para matapos na ang usapan.

"May customer na aksidente kong natapunan ng tubig. So syempre nagalit s'ya at ini-report ako sa manager ko."

Wala talaga akong ganang magkwento at pahina nang pahina ang boses ko sa pagsasalita.

"Bakit naman kasi ang lalay mo, pa'no mo ba hawakan 'yung tray? Ha?" Dismayado ang paraan niya ng pagtatanong at nahampas pa niya ang lamesa na para bang maling-mali ang ginawa ko.

Napaka over acting.

"Hindi ko sinasadya Ella ano ka ba? Kaya ayoko magkwento sa'yo eh." Asta na akong tatayo nang magsalita siya kaya umayos ulit ako nang upo.

"Pero alam mo napaka sensitive naman ng customer na 'yan, natandaan mo ba ang mukha? Resbakan natin." Balimbing din kahit kailan.

Oo Ell, kahit kelan hindi ko malilimutan ang mukhang 'yon.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon