Chapter ten

30 2 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

"Nakipag date ka lang buong araw? Anong ibig sabhin no'n Keesh? Akala ko ba maghahanap ka ng trabaho? Pero bet din naman ha. Kumusta ang naging date n'yo ni Kylle? Nakakilig ba? Saang romantic restaurant?"

Kanina pang dada nang dada itong si Ella sa harapan ko.

Naiinis na ako sa kanya. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh.

Ang gulo na ng utak ko tapos sasabay pa siya.

Dinaig ko pa ang nasa interrogation room sa ginagawa niya.

"Alam mo Ella tumigil ka nga."

Kanina pa ako nahihilo sa ginagawa niya dahil bukod sa mga tanong niya ay panay ang lakad niya sa harap ko at may mga pagkakataon pang umiikot ito kaya ako naman ay sunod at habol ang tingin sa mga pinupuntahan niya.

"Eto naman, nagtatanong lang eh."

Okay lang naman sana kung magtanong s'ya pero sana naman isa-isa.

"May gusto si Kylle sa'kin." Makabuluhan kong sinabi 'yun kay Ella at tinapunan ko s'ya ng tingin na para bang humihingi ng tulong.

Iyong tingin na nagtatanong kung anong dapat gawin.

"I told yah." Pumalakpak ang bruha na parang bilib na bilib sa kanyang sarili. "I told yah Keesha, I told yah." Nagpapitik pa siya ng mga daliri. Mukha na naman s'yang baliw.

"Anong gagawin ko Ell?" Kahit na may parte sa akin na natatawa dahil sa ikinikilos ni Ella ay pinilit ko pa ring maging seryoso.

"Anong tanong 'yan Keesh? Wala ka namang dapat gawin."

"Naiilang na ako kay Kylle." Para na akong mababaliw.

Nahilot ko ang aking sintido.

"Keesh alam mo matagal ko naman nang napapansin na iba 'yang mga ikinikilos ni Kylle eh. Ewan ko ba kung bakit ikaw hindi napapansin 'yun."

Parang hindi nga siya nagulat sa nalaman n'ya dahil normal lang ang iniaasta niya ngayon.

Hindi man lang niya nagawang magtaka kung paanong nangyaring may gusto sa akin si Kylle.

"Ang alam ko, kaibigan lang ang turing n'ya sa akin, wala ng mas malalim pa." Hanggang ngayon talaga ay hindi pa nag si-sink in ang lahat.

"Keesh, alam naman natin siguro pareho na hindi ka mahirap gustuhin. Mabait ka, matalino at maganda, kaya hindi mo masisi si Kylle kung magustuhan ka."

"Pero Ell, hindi ko na alam kung paano ko haharapin ulit si Kylle. Hindi ko alam pero ayoko ng ganito."

"Keesh tumitig ka nga sa akin." Tumitig ako tulad nang sinabi n'ya. "Bakit hindi mo subukang magbukas ulit ng pinto para sa mga taong gustong pumasok sa buhay mo? Alam mo ang tagal na ng mga nangyari and you deserve to be happy again."

Nanatili lang akong nakatitig kay Ella.

"Kylle is really a great person Keesh, he can make you happy."

"Ell masaya naman ako, masaya ako na magkaibigan kaming dalawa pero kung higit pa do'n, hindi ko na kaya."

Sinasabi ko lang ang totoo.

Hindi ko kayang humigit pa sa pagkakaibigan ang relasyon namin ni Kylle.

Hindi ko kayang gawin ang mga sinasabi ni Ella sa akin. I just can't.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant