Chapter thirty seven

43 1 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

After all, I can’t imagine that I would reach this point.

We are supposed to celebrate Ella’s success.

We are supposed to feel the overflowing joy because she has already made one of her dreams come true.

"Kahit kailan gag* 'yang Wendel na 'yan ah," parang sirang plaka na paulit-ulit na sambit ni Kaizer.

"Nandito na ang aasikaso ng kaso mo anak." Banayad na kumapit si mommy sa balikat ko, kalmado at normal lamang siyang naupo habang ako'y kaharap ang nakaiinis at nakaiinsultong mukha ng sira ulong si Kaizer.

"Salamat po," mahinang saad ko.

Sa gitna ng katahimikan ay muntik na akong atakihin sa puso nang walang ano-ano'y tumawa nang napagka-lakas si Kaizer.

"May sira ka ba talaga?!" bulyaw ko rito. Muntik na akong mapatayo upang lapitan ito kung hindi lamang ako napigilan ni Mommy.

"Tingnan mo kung sino ang paparating. Ang matalik mong kaibigan!" He stood up and clapped endlessly.

Ngayon pa lang ay masasabi ko nang wala talaga sa katinuan ang lalaking 'to.

Matapang at direstso kong ibinaling ang tingin ko kay Ella. Nakatungo siya kaya hindi ko maaninag ang eskpresyon niya.

Hindi tulad ni Ella, ang mga magulang niya ay nakatingin sa akin, pero hindi sila nagsalita ng kahit na ano.

Kasunod naman nila ay si Ate Trixie at Lance kasama si Kylle. Lumapit ang mga ito sa akin.

"Ayos ka lang? Anong ginawa sa'yo ng lalaking 'yan!" Sinugod ni ate si Kaizer at napaglapatan niya ito ng kamay ngunit bago pa man siya makasakit nang sobra ay napigilan na namin siya.

Maya maya pa ay naagaw ang atensyon naming lahat nang patakbong pumasok si Wendel.

Pawis na pawis, hinihingal at halatang dito dumiretso matapos ang graduation ceremony tulad nina Kylle.

Bago bumalik kanina si Wendel sa graduation venue ay tumawag muna siya sa police station. Sumama rin siya rito kanina at bago ako iwan ay hinintay muna niya si mommy na makarating.

Paniguradong hindi na rin siya nakapag martsa dahil wala siyang pasabi sa naging pag-alis.

"Maari po ba na lumabas na muna ang iba sa inyo? Ang mga importanteng tao lamang po na kailangan ang maiwan dito sa loob," ma-awtoridad na bulalas ng hepe.

Isa-isa silang lumabas.

Nauna si Ate Trixie at Lance.

Bago umalis si Kylle ay lumapit ito sa akin. "Naihatid ko na si Kris. 'Wag ka nang mag-alala."

"Salamat." Napakapit ako sa braso nito.

Nang napatingin ako kay Wendel ay sa kamay ko ito nakatingin kaya mabilis ko iyong binawi.

Halata ang kaasiwaan ni Wendel at Kylle sa isa't isa lalo na nang lagpasan ito ni Kylle sa kanyang paglabas.

Hindi pa rin umaalis si Wendel.

He stood right where he was when the police officer instructed them to go out.

Naunang naupo sa harap namin ni mommy ang ina at ama ni Ella. Hindi pa rin magawang tumingin sa akin ni Ella at kasalukuyan pa rin iyong nakatungo.

"Hija maupo ka na at nang masimulan na natin 'to bago dumating ang legal officer that will handle this case."

Sa puntong iyon, bago maupo si Ella ay nagkaroon ng pagkakataon na masulyapan namin ang isa't isa.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now