Chapter eight

49 3 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

Ilang araw na rin ang lumipas mula nang maalis ako sa trabaho.

Ang mga araw na dumaan ay ginugol ko lang dito sa bahay. Aaminin kong wala sa mga araw na 'yon ang naging produktibo at malayo 'yon sa nakasanayan ko.

"Bumalik ka na sa restaurant, nakausap ko na sina Mom and Dad at pumayag sila."

Nandito ngayon si Kylle. Kanina pa siya rito sa bahay, pinipilit niya akong bumalik sa resto.

Hindi ko naman hihiniling na makabalik. Okay naman na sa akin.

Ayaw ko kasi ng ganito. Baka mamaya isipin nila na nag ta-take advantage ako dahil kay Kylle.

"Okay na, makakahanap pa naman ako ng trabaho."

Inabot ko ang tinapay at juice na inihanda ko para sa kanya.

"But how? Magpapasukan na at kailangan mo ng trabaho right?" Nagsusumamo ang paraan ng pakikipag-usap ni Kylle.

Gusto talaga niyang bumalik ako sa restaurant.

Naupo ako sa harap nila ni Ella.

"Oo, pero madami naman akong mapapasukan eh. Kayang-kaya ko 'yan," pagsisiguro ko.

"Kung hindi talaga kita mapipilit okay lang. Basta if you change your mind, magsabi ka lang."

Napagod na rin si Kylle sa pamimilit sa akin pero halatang gusto pa rin niyang baguhin ko ang desisyon ko.

"Oo naman salamat."

Alam ni Kylle na kapag sinabi ko na ang isang bagay ay 'yon na talaga 'yon at wala nang mababago.

Isang beses lang ako magdesisyon at pinag-iisipan ko ‘yon, kaya wala na talaga silang magagawa.

Hindi ko gustong tanggihan ang alok ni Kylle sa akin pero hindi ko na rin ata kayang tanggapin pa 'yon.

Madami na siyang nagawa para sa akin.

Madaming beses na rin akong napagbigyan na hindi maalis sa resto nang dahil sa kanya, kaya napagdesisyunan kong hindi na lang.

"By the way balita ko nakapasa ka raw sa scholarship program at entrance exam ng Fate U ah, congrats! Hindi mo man lang sinabi sa'kin na sa Fate U ka pala mag-aaral. Ang saya ko dahil schoolmate na tayo."

Here we go again. Nabibingi ako sa Fate U. Ang sama talaga pakinggan.

"Tsamba lang 'yon,” tugon ko.

Hindi ko pa rin lubos maisip na nakapasa ako.

Kanina lang dumating ang resulta at si Ella ang unang tumingin no'n. Nagulat na nga lang ako nang biglang sumigaw siyang sumigaw matapos  tingnan ang portal.

"Nako, hindi 'yun tsamba, alam kong well-deserved 'yun kasi tutok ka sa pag re-review nang mga time na 'yun." Malawak ang ngiti ni Kylle.

Sa sobrang saya niya ay napakailaman pa niya ang pagkain na inihanda ko kahit sabi niya kanina ay busog pa raw siya.

"Nako kung ako 'yan hindi ko na kailangan pang mag-review." Umandar na naman ang kayabangan ni Ella.

"Oo nga eh, huwag lang tungkol sa love ang mga tanong dahil siguradong babagsak ka."

Hindi ko pinigilan ang tawa ko samantalang si Kylle naman ay nakitawa rin kahit hindi naman niya alam ang tinutukoy ko.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now