Chapter six

45 7 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

Matagal-tagal na rin mula nang pumunta ako rito sa orphanage.

I consider this place as my comfort place. Sa tuwing nakikita ko ang mga bata rito sa ampunan ay nagdudulot ito sa akin ng kakaibang saya.

I used to visit here back then.

Simula noong bata pa ako ay isinasama na ako rito nina mommy. 

My family is one of the sponsors ng bahay ampunan na ito at kahit na tumanda na ako ay bumibisita pa rin ako rito, natigil nga lang noong hindi na ako sa bahay umuuwi.

Ito ang lugar na unang pumasok sa utak ko kanina, tutal ang tagal na rin simula nang huli akong bumisita, kaya maganda na rin siguro na pumunta ako rito.

Bumungad sa akin ang play ground ng makapasok ako sa loob ng bahay ampunan.

Marami akong alaala sa lugar na ito. Dito na rin kasi ako halos lumaki kasama ng mga orphans noon.

Dati, every weekends pinipili kong tumigil dito. Dito na ako nagpapahatid after doing my assignments.

Nagtataka nga sina mommy noon kung bakit ang dami kong inaaway sa school, pero sa orphanage kahit isa ay wala. Well I had so many reasons.

Madami akong kalaro rito kumpara sa bahay na mag-isa lang ako. I grew up having a lot of friends because of this place and I'll forever be grateful for that.

"Keesha?" Nilingon ko ang tinig na nanggaling sa likuran ko.

"Nay Lot." Sinalubong ko siya nang mahigpit na yakap.

Si Nanay Lot ang isa sa mga nangangasiwa rito sa ampunan, matagal na siya rito kaya medyo may katandaan na. Itinuturing ko rin siyang tunay na lola kasi hindi ko na naabutan ang grand parents ko both sides.

"Ang tagal mong 'di nakadalaw rito anak ah."

"Oo nga po Nay." Nakaramdam ako ng hiya.

Imposible naman kasing hindi nakarating kay Nay Lot ang nangyari sa akin noon.

Alam ko rin na alam niya kung bakit ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para bumisita.

"Anak, ano ka ba? Lola mo ako. Wala kang dapat ikabahala sa akin. Oo, noon nagtampo ako sa'yo, pero alam mo kung anong ikinatampo ko?"

Hinintay niya akong magtanong habang nakatingin sa akin.

"Nay." Imbis na sagutin si Nay Lot sa paraang masasagot ang tanong na ibinigay niya ay pagtawag ang nasambit ko sa napakahinang paraan.

"Yun ay dahil hindi ka man lang pumunta sa akin para madamayan ka sa mga dinamdam mo at matulungan upang maalis ang gumugulo sa isipan mo."

Ang kaunting mga salitang narinig ko ay nagparamdam sa akin ng pakiradam na matagal ko nang hinahanap.

Nadama ko sa paraan ng pagsasalita ni Nanay Lot ang pakiramdam nang mayroong magulang na umiintindi.

Naramdaman ko muli ang pagmamahal ng isang lola na sa kanya ko lang naramdaman.

Wala na akong nagawa kung hindi yakapin siya ulit nang mahigpit.

Napaka maaalahanin ni Nay Lot lalo na pagdating sa akin at alam ko 'yun. Alam ko rin na mahal na mahal niya ako kahit hindi niya ako tunay na apo.

"Anak, tapos na ang mga nangyari." Hinawakan niya ako sa mukha at pinunasan ang aking mga luha. "At alam mo ba na ipinagmamalaki kita? 'Yun ay dahil nagawa mong tumayo sa sarili mong mga paa at nagawa mong makabangon muli nang mag-isa." Tinapunan niya ako ng napakagandang ngiti.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now