Chapter fifteen

20 2 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

Narito ako ngayon sa isa sa field ng school.  Nakaupo ako sa mismong grass land.

Matapos ng klase, dito na agad ako dumiretso.

I love this place dahil napaka peaceful lang ng ambiance.

Dalawa ang soccer field dito. Iyong isa ay 'yung tinatawag nilang main field kung saan field 'yon for mens soccer team and this one where I am right now is for outdoor activities.

Wala masyadong tao rito kumpara sa main field na malapit sa entrance. Isa pang dahilan ay dahil nasa likod na parte ito ng school at mayroong earphones na nakasalpak sa tenga ko.

I'm a fan of A1 at kanta nila ang kasalukuyan kong panakikinggan.

Wala namanh bago do'n kasi lagi namang mga kanta nila ang pinapatugtog ko everytime I want to feel peace and get some positive vibe.

Fun fact, I have a crush on one of the members of the band and that is my one amd only Paul Marazzi.

Napakagwapo lang kasi talaga n'ya at mukha pang mabait. That's the simple reason why I was moved by him.

Nagulat ako sa gitna ng pakikinig ko ng musika nang may lalaking biglang umupo sa tabi ko. Agad akong nagtanggal ng earphones.

"What are you doing here?"

I just stared.

"Uy, ano reaksyon 'yan?" Napakalawak ng pagkakangiti niya at bahagyang natawa.

"Ba't nandito ka?" tanong ko.

"Bakit masama ba?" He pouted slightly while asking the question.

"Wala akong sinabi, Kylle. Nagtataka lang ako. Wala ka bang klase?"

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at inilahad ang kamay sa akin. "Wala, so pwede mo ba 'kong samahan? Only if you're free."

Sinong makakatanggi sa paanyaya niya gayong mukha siyang nangongnsensya at nagpapaawa na samahan siya. Pero aaminin ko, nag-hesitate ako when I remembered something.

Ito ang unang pagkikita namin matapos niyang aminin ang nararamdaman n'ya.

We had a phone call conversation once, pero iba 'yom kumpara sa personal. Kung papansinin mo naman si Kylle ay parang walang nangyari at normal lang ang lahat.

"Sa'n mo na naman ako balak dalhin? Ha?"

Nanlilisik ang mga matang tanong ko sa kanya. Natural na paraan ko 'yon nang pakikipagusap.

The expression without awkwardness.

"Keesh?"

"Keesha," pagtatama ko sa kanya.

"Ang suplada mo naman. Okay Keesha, what's the matter?" Nanatili pa ring nakatayo si Kylle sa harapan ko.

"Napag-usapan na natin 'to diba? Kylle...."

Ilang segundong natahimik si Kylle bago siya tumawa nang malakas.

"So, you mean the confession?" kunot noong tanong niya.

Tango lang ang isinagot ko.

"Yes, we already talked about it, and I thought it was clear to you. If you want me to remind it, I will."

Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Ang katotohanang hindi ako ganito pag siya ang kaharap ay nagbibigay iyon ng kaba sa akin.

Naupo muli si Kylle sa tabi ko ngunit hindi tulad ng kanina, mas malapit na ito. "Hindi ba sabi ko sa'yo okay lang naman sa akin if you're not ready yet?" saad niya habang ang paningin ay naglayag sa palingid at hindi nakatuon sa akin.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now