Chapter thirty six

33 1 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

Ikaw lang Wendel ang hinihintay ko.

Kahit ilang araw, buwan at taon ka pang mawala, hihintayin kita.

Hindi mo kailangan ng maraming paliwanag. Ang makita ka at sabihin mong okay na ang lahat at mahal mo ako ay sapat na.

I'm now aware of how much you sacrificed for me. All the bad things you did to me vanished when I was able to know the real story.

Sa huli't huli ay kapakanan ko pa rin ang inisip mo. Alam kong nasaktan kita nang sobra at hindi kita masisi sa nagawa mong pag-alis noon.

What matters now to me is the fact that you came back. Iyon ang pinanghahawakan ko.

It's Wendel's graduation day. Kanina pa akong hinihintay ni Ella sa labas. Naroon na rin si Kris pero ako, ito, lumilipad ang isip habang nakaharap sa salamin. Iniisip ang mangyayari sa muli naming pagkikita ni Wendel.

Hindi ko alam kung pagdating ba sa venue ay magagawa ko siyang lapitan dahil siguradong naroon si Loreighn.

Hindi ko alam kung siya ba ang kusang lalapit sa akin at yayakap. Hindi ko alam kung papansinin ba niya ako.

Magmumukha ba akong hangin na nakapaligid lamang sa kanya at sa nobya niya?

Hindi ko alam at ayokong isipin na ang negatibo at ang hindi ko gugustuhin ang mangyayari.

Message received
From Unkown
Enjoying the moment? hahaha ‘wag kang mag-alala hindi lang 'yan ang hinanda kong sorpresa para sa kaarawan mo. Expect for more naughty girl.

Nawala ang lahat ng isipin sa isip ko. Mabilis na nagbago ang aking emosyon at pakiramdam.

"Ell!"

Nang mabasa ko ang message na mismong kompisisyon ng mensaheng natanggap ko noon ay hindi ko na napigilang mapasigaw at tawagin si Ella.

Naipatak ko rin ang hawak kong telepono dahil sa unti-unting nangatal ang kamay ko. Halos lahat ng parte ng aking katawan ngayon ay nangiginig. Bumalik lahat ng alaala sa akin.

"Ano bang problema Keesh?" Mabilis na pumasok at pabagsak na isinara ang pintuan. "Oy 'yung cellphone ko! Bakit mo naman ibinagsak?!"

Dali-dali sinimot ni Ella ang telepono niya at masusing tinignan kung may sira.

"Teka, Keesh bakit ganyan ang itsura mo? Umiiyak ka ba?" Niyugyog niya ang balikat ko.

"Si K-kaizer." Hindi ako naiiyak. Takot ang nananaig sa nararamdaman ko.

Ano bang kailangan sa akin ng Kaizer na 'yun?!

Hindi na ako nag-isip pa ng kung sinong tao. Siguradong si Kaizer ang taong nagpadala ng mensahe at siguradong siya rin ang tao sa likod ng pagpapalabas ng eskandalo ko noon.

"Anong meron kay Kaizer?" Biglang naging seryoso ang mukha ni Ella.

"Basahin mo."

Mabilis na pinasadahan ni Ella ang mensaheng aking natanggap mula sa hindi kilalang numero.

"Kailangan n'yang makulong. Hindi s'ya inosente. May kinalaman s'ya sa pagpapakalat ng video scandal ko Ella!"

Nagawa ko nang murahin ang sarili ko sa aking isip. Sino ba naman kasing tanga ang iisiping walang kinalaman ang lalaking 'yun sa pagpapakalat ng eskandalong nangyari noon?

Hindi kami parehong biktima tulad ng sinabi niya noon kayna Daddy nang mag-usap sila. Kung may biktima man dito, ako lang 'yun. Lahat kami ay nadala sa mga pagsisinungaling at pagpapanggap n'ya.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon