Chapter four

51 7 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

"Ate Jen palitan mo naman ang kanta please," mula sa sink ay pasigaw kong tawag kay Ate Jen na kasalukuyang nasa preparation area.

"Kung kailan tapos na Keesha saka mo sasabihing palitan ko? Sabog ka ba?"

Mabilis s'yang pumunta sa kinaroonan ko dala ang ilang mga hugasin.

"Ah tapos na ba?"

Natigil si ate Jen at pinagkatitigan ako habang nakapamaywang

"Hala ewan ko ba sa'yo Keesha, marami pa 'kong aasikasuhin." Iiling-iling niya akong iniwan.

Natapos ko na pala ang kanta bago ko pa masabi kay Ate Jen na palitan n'ya 'yon.

Ilang araw ko na rin 'yong napapakinggan. Nakakabingi ang paborito n'yang Usok na kanta ng Aegis.

Laging may pa sound trip dito sa kitchen. Nagdadala kasi si Ate Jen ng speaker na mukhang minana n'ya pa ata sa lola niya sa tuhod.

Sobrang luma na kasi no'n at siguradong kapag itinodo mo ang volume ay hindi ka na magugulat kung mawasak na lang 'yon bigla. Ayos pa naman s'yang tumunog, medyo basag na nga lang.Inasikaso ko na ang mga hugasin na dinala ni ate Jen pero hindi ko pa man nasasabon ang kalahati ng mga iyon ay narinig ko na ang tawag niya mula sa labas.

"Keesha!" Nakadungaw lang s'ya sa pintuan ng kitchen.

"Oh, Ate Jen?" Natigil ako sa pagkuskos ng mga kubyertos.

"Iwanan mo muna 'yang mga hugasin."

"Po?"

Hinugasan ko agad ang kamay ko at nagpunas sa aking apron.

"Paasikaso muna 'yung ibang customer please, masyado kasing madaming tao ngayon. Wrong timing naman kasi ang pagliban ni Etel, tatlo lang tuloy kami rito nina Blair na nag-aasikaso sa mga customer. Mamaya tulungan kita d'yan kapag wala ng masayadong tao."

"Ah sige po."

Hindi ko magawang tanggihan si Ate Jen, masyado kasi siyang mabait sa akin kaya sige lang ako sa tuwing kailangan niya ng tulong.

Hindi rin naman ito ang unang beses ko na mag-assist ng guests dito sa restaurant kaya ayos lang.

Lumabas na nga ako ng kitchen at doon ko nasaksihan kung gaano nga kadami ang tao.

Hindi pa naman occupied lahat ng tables dahil alis dating ang mga customers, pero madami nga ang tao ngayon kumpara sa mga nakaraang araw.

"Yun Keesha ang asikasuhin mo." Itinuro sa akin ni Ate Jen ang isang table.

"Yun po?" Itinuro ko pa ang kinaroroonan ng dalawang customer na tinutukoy niya.

"Oo Keesha 'yung nasa dulo."

"Ahhh 'yun pong may magandang babae na 'yon? 'yung maputi?" Talagang binigyan ko pa ng depinisyon ang customer na tinutukoy ko.

"Oo Keesha 'yun nga, 'yung lalaki at babae do'n sa dulo. Ano bang nangyayari sa'yo?"

"Wala po Ate Jen. Okay na po." Kinindatan ko s'ya at ngumisi.

Iniwan na ako ni Ate Jen dahil madami talagang customer ngayon na dapat asikasuhin.

Nag chin-up pa ako bago tunguhin ang table ng customers dala-dala ang menu habang prenteng-prente sa aking pagkakalakad.

"Good day Ma'am and Sir, here's the menu," masayang bati ko.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin