Chapter twenty four

22 2 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

The final presentation has come and this is the last thing I need to focus on and then, tapos na ako sa unang semester.

Actually kami lang ni Wendel ang magpe-present for this day dahil lahat ng ginawa ng mga kaklase namin ay filmed presentation.

Gano'n din naman 'yung sa amin, documented, but I really want to present it live in the class. Aside from having an opportunity to get a high grade, we really want to make this project not just a project but a life learning activity.

"Here." Ipinatong ni Wendel ang dalawang paper bag.

Ang isa do'n ay from one of the most famous clothing lines and 'yung isa ay galing sa isang brand ng sapatos.

Kami pa lang dalawa ang narito sa room ni Sir. Quizon at talagang inagahan namin para makapaghanda.

Si Wendel ang nag-ayos ng lahat.

S’ya  ang nag-asikaso ng equipments dahil abala ako sa pag recall ng mga sasabihin.

Naba-blangko pa rin ako kahit na saulado ko na 'yun noong isang linggo pa. Bahala na mamaya.

"Hindi ka ba magpapalit?" saad ni Wendel habang inaayos ang butones ng kanyang polo.

Maayos naman na para sa akin ang suot ko.

Bakit ba kasi bumili pa s'ya?

Ginawa talaga niya ang sinabi niyang bibilhan niya ako ng susuotin, gamitin ko man o hindi.

"Ayos naman na ang suot ko." Pinasadahan niya ako ng tingin.

I'm wearing black striped dress and sandals that I used to wear for formal events. Ang sandalyas na 'yon ay ang suot ko noong unang pasukan.

"Should I take it back?" Kinuha n'ya ang paper bag at tiningnan ako nang seryoso.
"Or, should I take you back?"

Awtomatiko kong inagaw iyon sa kanya.

"Magpapalit na ako."

Ngumisi lang siya matapos kong magsalita.

"Good." Makabuluhan pa siyang tumitig at nakakaloko ang naging pagtingin niya.

"Make it fast."

Nakikipaglaro ba siya?

Nang makarating ako sa girls room ay nagdiretso ako sa sink. Naghilamos at tiningnan ang sarili sa salamin.

Are you crazy Wendel?

Hindi ko magawang alisin sa utak ko ang paraan niya ng pagtitig at pagngisi.

That stare and grin is the same way I used to see him when we were still together.

That lighthearted tone of voice.

He has to stop this if he's aware of what he's showing to me and how it affects me.

He has to stop this as soon as possible because it's wrong.

He has a girlfriend.

Nang tingnan ko ang laman ng isa sa mga paper bag ay may nakasuksok doong isang maliit na papel.

"You’ve changed a lot."

Napatigil ako nang mabasa 'yun at matagal na pinagmasdan bago tuluyang pumasok sa comfort room.

Nang makabalik ako sa room ay nando'n na si Sir Quizon at ang mga kaklase namin.

Mukhang ako na lang ang hinihintay dahil si Wendel ay prenteng-prente na ang pagkakatayo sa unahan.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now