Chapter fourteen

19 2 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

Maaga akong nagising. This is it, the day I've been waiting for.

Sa wakas makakabalik na ako sa pag-aaral.

I want to fullfil my dreams at ito na ang simula.

Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Siguro kailangan medyo semi-formal ang attire ko ngayon.

First day at siguradong mas maganda kung mag-formal ako.

Habang naliligo ako ay kung ano-anong laman ng isip ko but it's full of positivities.

Kinuha ko ang simpleng dress ko sa cabinet matapos kong maligo.

Half sleeve dress na kulay peach. Teternuhan ko na lang ng simpleng sandals. Kinuha ko rin ang sling bag ko at wedge na balak kong ipares sa dress na isusuot.

Medyo luma na ang aking sapatos pero mapag tsatsagan pa naman. Kasalukuyang nag aalmusal si Ella.

Mukhang kagigising lang n'ya. Halata ‘yun  kanyang mata.

"Mag almusal ka muna," bungad sa akin ni Ella.

Naupo ako sa harap ni Ella at nagsimulang kumain.

"Mukhang excited tayo ah. Ang lakas maka Maria Mercedes ng suot mo."

Sinulyapan ko lang si Ella habang tuloy lang sa pagnguya. "Oo naman, ang tagal kong hinintay 'to."

"Kayang-kaya mo 'yan. Support lang ako sa'yo. Ngayon pa ba na naka dress ka. Saan ang prom?"

"Ano bang meron sa suot ko? Okay lang naman ah."

Pangit ba?

"Wala naman akong sinabing may problema, I mean may kulang lang."

"Ano? Accessories?" seryosong tanong ko.

"Bata at ribbon."

"Bata at ribbon?" pag-uulit ko.

"Oo ribbon, 'yung may nakalagay na parent tapos syempre may kasama ka dapat na bata, 'yung anak mo na ga-graduate." Para s'yang masasamid habang nagsasalita dahil sa katatawanang sinabi n’ya na s'ya lang ang natuwa.

Mabulunan sana s'ya.

Mukha ba akong nanay sa suot ko?

Out of fashion kasi si Ella kaya siguro hindi n'ya ma appreciate ang suot ko, nakakaawa talaga.

Madali kong tinapos ang pagkain. Hindi ako pwedeng mahuli sa unang klase ko kaya nagpaalam na rin agad ako kay Ella.

Sinabi ko sa kanya na  magkita na lang kami mamayang lunch. Hindi kami sabay ngayon dahil magkaiba kami ng schedule.

Mamayang 9:00 am pa ang pasok n'ya samantalang ako naman ay 8:00 am.

Swerte  na pagkalabas ko ng bahay ay mayroon agad tricycle na dumaan.

"Kuya Fate University po."

"Trenta 'neng. Nag-iisa ka lang eh."

Trenta? "Kuya kinse lang pamasahe doon ah."

"Sasakay ka ba? Kung hindi aalis na 'ko."

Hindi ako nagsalita hanggang umalis na ang driver at pinaharutot ang trike niyang kakarag-karag na.

Abusado si manong. Anong akala n'ya maloloko n'ya 'ko?

Naglakad na lang ako ng konti papuntang paradahan ng tricycle.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now