Chapter twenty seven

22 1 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

"Keesha!"

"Uy Keesha!"

Napaka daming tao ngayon sa gymnasium ng school dahil mayroong activity for the closing of the school year.

Kanina ko pang hinahanap ang tumatawag sa akin, pero hindi ko talaga 'yun makita.

"Keesha!"

"Sis!"

Nang marinig ko ang sis ay natukoy ko na kung sino ang tumatawag sa akin.

Dalawang boses ang naririnig ko kanina pa.

Siguradong si Lorie at Charize 'yun.

Nasaan ba silang parte? 

Literal na siksikan at hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang paglingon ay napakahirap nang gawin.

"Girl!"

"Sisssy!"

Nagpasya akong umalis sa pwesto ko at nakipagsiksikan sa kumpulan ng tao na dinaanan ko.

Kahit na may centralize aircon sa gym ay pawisan pa rin ako bago makapunta sa mas may espasyong lugar.

"Sissy!"

"Girllllll!"

Mabilis na tumakbo sa akin ang dalawa at yumakap.

Hindi normal 'yun dahil kahit kailan ay hindi nila 'yun ginawa. Para kaming matalik na magkakaibigan na matagal na hindi nagkita.

Matagal naman talaga nang huli kong makita si Lorie at Charize, pero hindi ko pa rin alam kung bakit hindi pa nila nakukuha ang buong loob ko. Mabait naman silang dalawa at napatunayan ko 'yun sa mga araw na pinagsamahan namin noon.

Talagang malaki lang siguro ang trust issues ko.

"Kumusta?" bungad ko sa kanila.

"Sis." Ngumuso si Charize. "Join us."

Sapilitan akong hinila ng dalawa palabas ng gym at wala akong nagawa do'n.

"Uy anong ginagawa n'yo?"

"Relax ka lang sis," sagot ni Lorie. "We got you."

Hawak nila akong dalawa sa tig-isang kamay. Nang makalabas kami ng tuluyan sa gymnasium building ay doon na ako nagtaka.

"Sa'n n'yo ba ako dadalhin?"

"I'll promise mag e-enjoy ka rito," saad ni Charize.

Nagtawanan pa silang dalawa.

Ano bang meron?

Tinahak namin ang CTED building.

Walang tao sa lobby at ilan lang ang makikitang tao sa labas kaya bakit dinala nila ako rito?

Wala na akong nakitang iba pang estudyante ng school nang tuluyan kaming umakyat ng second floor.

Napakatahimik ng hallway.

"Uy hindi na ako natutuwa." Hindi na sila nagsalita at mangiyak-ngiyak na ako sa kaba. Hindi ko alam kung anong bang pakay nila. "Hindi 'to magandang biro Charize."

Nagmamakaawa na akong bitawan nila ang mga kamay ko nang akyatin namin ang ikatlong palapag.

"Lorie 'di na talaga ako natutuwa."

Naging marahan na ang paglalakad namin at pag-akay nila sa akin nang tunguhin namin ang dulo ng pasilyo.

Sarado lahat ng class room pero tumigil kami sa tapat ng silid kung saan ko sila naging kaklase. Sa room ni Sir Quizon.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now