Chapter thirty five

33 2 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

"So that's what really happened?"

Tumango lang si Kylle bilang sagot.

Narito kami ngayon sa isang shop kung saan namin minabuting mag-usap. Unti-unti nang nagiging malinaw sa akin ang lahat.

"Bakit hindi mo agad sinabi?"

Minabuti kong kausapin nang mahinahon si Kylle at alisin ang kaunting inis na nararamdaman ko sa loob ko.

"Wendel told me not to. Sinabi n'ya na tulungan lang kita na makahanap ng trabaho at tingnan parati habang wala s'ya that's why, I felt really glad nang pumayag kang mag-apply ka sa resto."

Napaka linaw ng expresyon na mababasa sa mukha ni Kylle. Punong-puno ng katotohanan.

"The moment I saw you passed out sa labas ng village ni Wendel, hindi ko talaga alam ang gagawin noon. Awang-awa ako sa'yo ng time na 'yun. I know Wendel really cares for you kaya nga he asked me to do a a favor of looking after you pero you didn't deserve what you experienced." He swiftly grabbed my right hand. "Hindi ka n'ya dapat iniwan sa sitwasyon na 'yun. Nang malaman ko na nakabalik na s'ya, hindi ko alam kung anong gagawin. I was scared na baka hindi mo na ako mapansin. I was scared na ma-divert ang attention mo. I was scared na baka bumalik kayo sa dati, kahit na at first, that's what I wanted. But everything changed when I felt that I liked you."

Inagaw ko ang kamay ko mula kay Kylle. Wala kami rito para pag-usapan ang nararamdaman niya.

Tapos na kami sa bagay na 'yun.

Napag-usapan na namin 'yun noon pa at narito lang ako para malinawan sa nangyayari.

"We already talked about it na Kylle 'di ba?" nagsusumamo kong saad sa kanya.

Bilang kaibigan niya ay hindi ko gustong makita siyang nasasaktan lalo na nang dahil sa akin.

"I know that you still love my cousin." Mahina s'yang tumawa. "The question is, does he love you?"

Does he love you?

"Oo naman," walang pag-aalinlangan kong sagot.

"If he does, nasaan s'ya? Why am I the one who's here with you explaining everything?"

Iyon na naman si Kylle sa titig niyang nakakapagpasikip ng dibdib ko.

"Kylle, mahirap ang sitwasyon. Alam mo 'yun. Your ex-girlfriend is here and he's your cousin's girlfriend. Mahirap magdesisyon at magkita kung kailan namin gustuhin."

Nakakahiyang mang sabihin ang rason na 'yun at tunay na nakakadesperada, wala akong nagawa.

"And that's the set-up you want? 'yung nagtatago ka and acting like you like it. Acting like you're okay with it." Tumayo siya at tumalikod.

He must be crying.

"You know what, in the first place, alam mong mali ang naging set-up n'yong dalawa ni Wendel. But, you still jumped on  it." Punong-puno ng diin ang pagsasalita niya. Kahit na nakatalikod si Kylle ay alam kong inis ang ekspresyon na meron siya ngayon. "Reighn doesn't deserve this at maging ikaw." Nang harapin niya ako ay punong-puno na ng luha ang pisngi niya at wala man lang siyang balak na pahirin 'yon. "Kung alam ko lang na si Reighn ang girlfriend n'ya? Matagal ko nang pinigilan 'yang Wendel na 'yan sa katarantaduhan n'ya!" Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw. "He is to blame! Itinago n'ya sa akin ang tungkol kay Reighn because he knew from the very beginning that I would tell everything to you right ahead of time kapag nalaman ko. Ang galing n'ya sa part na dumating silang dalawa rito nang hindi ko man lang nakita si Reighn. Ang galing n'ya sa part na nakapanggago s'ya nang hindi ko alam."

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now