Chapter twenty five

20 2 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

Nagkaroon na ng bagong enrollment for second and last semester.

Yes! I survived the first one.

I'm here with my new classmates and schedule of course, pero may hinahanap ako. May hinihintay akong dumating kahit alam ko namang malabo na 'yun.

Yes, I'm waiting for Wendel, aaminin ko. Hinihintay ko siya na makitang maglakad papasok ng pintuan ng silid, pero sigurado namang hindi na posible 'yun.

After our final presentation, hindi ko na s'ya nakita even sa enrollment.

May ilang klase pa kami noon kay Sir Quizon pero hindi na s'ya umattend.

Maybe because he knew that those days were not that important. Those days were just for the finalization of grades at wala ng iba pa.

I opened my notebook and automatically smiled bitterly when I saw that letter I got from him.

Hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang maliit na papel kung saan may nakasulat na "You  changed a lot."

Isang papel lang naman ito pero sobra-sobra ang pagpapahalaga ko.

Hindi ko man lang magawang itapon o ilagay na lang kung saan. Idinikit ko pa nga 'yun sa notebook ko na nabili namin ni Kylle nang nag food trip kami.

Ang sulat ni Wendel ang kauna-unahang naging laman ng notebook na 'to dahil hindi ko pa ito kailanman nasulatan.

Maaring regular loads na si Wendel dahil ilang subjects lang naman ang hindi na credit nang mag-enroll s'ya sa Fate University so bakit ko pa ba s'ya hihintayin?

There's no point at all.

Wala akong naintindihan sa lahat ng minor subjects na pinasukan ko.

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa mesa at sa pintuan.

He didn't come.

Minor subjects lang ang pagkakataon na maging kaklase ko s'ya ulit kung sakaling may subject na kailangan pa s'yang i-take, pero mukhang wala na.

Hindi ko na namalayan na natapos ang klase. Nalaman ko na lang 'yon nang magtayuan ang mga kaklase ko at isa-isang lumabas.

I fixed my things and decided to leave the room. Sapo ko pa ang dalawang libro ko para sa World History subject dahil hindi 'yon kasya sa bag ko.

Nasa hallway pa lang ako ay natanawan ko na ang lalaking kanina ko pang hinahanap.

Totoong tuwa ang naramdaman at pagkasabik.

Nakaupo lang s'ya sa gilid ng hagdanan at walang pakialam sa kung sino mang dumadaan.

He's busy with his phone.

What is he doing here in the CTED building?

Saglit pa akong tumigil dahil sa pagtataka. Kung wala na siyang minor subjects na missed, bakit nandito siya?

Nang makalapit ako ay hindi niya ako napansin kaagad.

I sat beside him. I didn't know why I did it.

"Oh, you're here na." Sa paraan niya nang pagsasalita ay parang hinintay niya ako but I didn’t want to assume things until he stood up and offered his hand.

Tiningnan ko siya nang nagtataka, pero mas inilapit lang niya ang kamay sa akin. May nagsasabi sa akin na huwag tanggapin ang kamay n'ya.

I know it's wrong but I still took it.

Nang mahawakan ko ang kamay ni Wendel sa pangalawang pagkakataon matapos ang unang beses sa soccer field ay tila mayroong ibang pakiramdam.

I didn't question him.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now