Chapter two

95 10 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

"Keesh bangon na! Oy!"

"Hmmmmm.

"Anong hmm ka d'yan! 8:30 na loka-loka."

Mabilis akong bumangon at ang kaninang titikhim-tikhim na pagsagot ko habang ginigising ako ni Ella ay napalitan ng pagkagulat. Literal na napabalikwas ako.

"Anong? 8:30 na? Bakit ngayon mo lang ako ginising?!" Hindi ko man lang nagawang mag-inat at humikab kahit na randam ko ang sobra pang kaantukan.

"Wow ha! So kasalanan ko pa? Kanina pa kaya kita ginigising duhhh." Inirapan n'ya ako.

Hindi ko na pinasin ang bruha.
Napakasama talaga ng ugali kahit kailan.

Dali-dali kong kinuha ang tuwalya ko at patakbong pumunta papasok sa banyo.

Hindi ako pwedeng ma-late sa trabaho ko. Ayoko nang masermonan ulit ng manager ko 'no. Dragon kung magalit 'yon kaya hindi ko na gugustuhin pa na makita ulit ang umuusok n'yang ilong.

Mabilis lang ang naging pagligo ko dahil sa hinahabol na oras.

"Oh wala ka bang pasok?" Tanong ko kay Ella habang tinutuyo ang aking buhok.

Martes kasi ngayon at kapag ganitong araw may pasok s'ya ng ala syete ng umaga.

"Actually meron. Ayoko lang pasukan ang first subject ko. Baka mamayang 11:00 am class na 'ko pumasok." Abala si Ella sa pag-aayos ng mga gamit n'ya. "Saka isa pa wala naman nang masyadong ginagawa. Final Examination na lang ang iniintay ko at after no’n, third year na 'ko next school year," naninigurong niyang saad.

"Ano ka ba naman Ell? Hindi mo na napasukan 'yang first subject mo na 'yan. Baka naman idrop-out ka na ng propesor mo."

"Wala ka bang tiwala sa'kin?" Mayabang n'yang tugon. "Isa pa, kahit 'di ko pasukan ang subject ng matandang hukluban na ‘yon, papasa ako sa kanya. I can even pass my exams sa subject n'ya kahit 'di ako mag-aral. Minor lang s'ya, kaya 'di s'ya pwedeng mag-demand sa'kin."

Napakayabang talaga.

Matalino si Ella at hindi talaga imposible ang mga sinasabi n'ya. Medyo sutil nga lang ang bibig pero mabait talaga s'ya. Hindi lang halata.

Dalawa lang kami sa bahay. Nasa Batangas kasi ang pamilya n'ya at doon na naninirahan dahil meron silang maliit na negosyo roon.

Tumigil lang si Ella rito sa Quezon dahil dito n'ya raw gusto mag-aral ng kolehiyo, pero alam kong hindi talaga 'yon ang naging rason n'ya kung bakit pinili nyang manatili rito.

Alam kong mas pinili n'yang dito mag-aral para damayan ako noong panahon na nagkaroon ako ng problema.

Natatandaan ko pa ang gabi kung saan narinig ko ang usapan nila ng  nanay n'ya sa telepono.

Sinabi n'ya na rito na lang daw s'ya mag-aaral sa Quezon kasi raw hindi n'ya 'ko kayang iwan. Kailangan ko raw s'ya sa tabi ko, na talagang totoo naman.

Mas pinili n'yang malayo sa pamilya n'ya para lang sakin.

Napangiti ako sa ala-alang iyon.

"Oh s'ya mauna na 'ko."

Hindi ko na inintay na sumagot si Ella at lumabas na ako ng gate. Baka kasi ma-late ako.

Malapit lang naman sa bahay ang restaurant kung saan ako nagtatrabaho.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now