Chapter nine

42 2 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

Kanina pa akong naglalakad pero wala pa rin akong makitang hirings na working establishments.

Bakasyon na nina Ella noong isang linggo pa at tumatakbo ang oras.

Maya maya pa ay panibagong pagbubukas na naman klase, kaya kailangan ko talagang makahanap kahit part time lang.

Mga restaurant, fast foods at bars lang ang alam kong pwedeng pasukan na trabaho pero wala akong makita.

Nakakaramdam na rin ako ng gutom.

Alam kong hindi talaga madali ang maghanap ng mapapasukang trabaho dahil napagdaanan ko na ito noon. 

Mukhang hindi ata sumasabay ang swerte sa akin. Halos tatlong oras na akong paikot-ikot dito pero wala.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cell phone ko.

Kylle's calling

Sinagot ko ang tawag niya pero wala akong narinig na nagsalita.

Ayokong maunang magsalita kahit siya ang tumawag pero mukhang wala akong magagawa kasi hindi talaga siya umiimik mula sa kabilang linya.

"Hello?" pangnguna ko.

Ilang segundo pang katahimikan ang narining ko bago ko marinig si Kylle.

"Hi, kumusta ang paghahanap mo ng work?"

Tingnan mo ‘to, inintay lang talaga akong mauna.

"Eto nakakapagod, pero wala pa rin."

Hindi ganito ang paraan ko nang pakikipag-usap kay Kylle.

Simula kanina naiilang na talaga ako sa kanya, nadagdagan 'yon ngayon dahil naisip ko ang sinabi sa akin ni Ella bago ako umalis ng bahay.

"Nasan ka? I'm here inside the mall, siguradong gutom ka na, kumain ka na ba?"

Nagmamaneho s'ya at nalaman ko 'yon dahil sa ingay ng mga sasakyan.

Imposibleng nasa mall siya.

"Hindi pa nga eh." Totoong gutom na ako at nararamdaman ko ang ang pangnginig ng mga tuhod ko bagaman hindi pa naman 'yon ganoon kalala.

"Good! I mean, nasaan ka ngayon? I'll pick you up."

He'll pick me up?

"Nasa gift shop ako, 'yung malapit sa El Cafe." Sagot ko.

Gusto ko sanang tumanggi pero baka mahalata naman niya na ilang ako sa kanya kaya pumayag na ako.

"Okay, wait for me there."

Wala pang limang minuto ay natanaw ko na ang sasakyan ni Kylle.

Tumigil s'ya sa harap ng gift shop na kinatatayuan ko.

Nang makababa siya ay saka s'ya naglakad papalapit sa akin.

Ba't ganito ang nararamdaman ko?

Nakaramdam ako ng hiya sa kanya. Nasisiguro kong nakauwi na si Kylle ng bahay dahil iba na ang suot niya ngayon.

He's wearing a white plain shirt, ripped pants paired with white shoes.

Hindi ko alam pero ang lakas ng dating niya kahit ang simple-simple ng suot n'ya.

Ano ka ba naman Keesha! Anong iniisip mo?

"You really look exhausted." Pag-aalala ang mababasang emosyon sa mukha ni Kylle.

"N-nako wala 'to." Ano ba Keesha? Bakit ka ba nauutal? Si Kylle lang 'yan.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now