Chapter nineteen

26 2 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

Ilang araw ang dumaan at normal naman ang naging takbo ng lahat. Tulad ng inaasahan, naging abala ako sa sa pag-aaral.

May mga araw pa nga na parang hindi ko na nakakausap si Ella kahit pa nasa iisang bahay lang kami.

Napakaraming presentations na kailangang paghandaan sa mga major subjects ko at may mga araw na naiiwanan ko na ang minors.

Literal na hindi ko na napapasukan ang ilan sa mga klase ko, pero sinusubukan ko namang humabol sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga requirements na eksakto sa deadlines.

Mabuti na lang at hindi gano'n kaimportante ang attendance as long as you do your job and that's attending the class when there are tests and complying with the requirements.

"Keesha ang galing-galing mo do'n sa presentation mo kanina ah. You really studied your topic and you nailed it."

"You got it right Lorie. Keesha made Mrs. Lopez impressed."

Imbis na matuwa ay nahihiya ako sa mga papuri na natatanggap ko mula kay Charize at Lorie.

Nandito kami ngayon sa room ni Sir Quizon at nag-hihintay. Ito ang unang pagkakataon na papasukan ko ang klase n'ya matapos ang ilang araw na pagliban. 

Kung noon ay nag-iisa lang ako dito sa likod, ngayon ay nandito na silang dalawa ni Lorie at Charize sa tabi ko at talagang dinala nila ang mga upuan nila para makatabi ako.

"Paano maging gano'n ka-confident Keesha? Tell us."

Hindi ko alam ang isasagot ko kay Lorie.

"Hindi ko rin alam, saka hindi naman ako confident, sa totoo lang kinakabahan ako kanina."

Totoong kinabahan ako lalo pa at ang professor namin para sa presentation na kanina ay si Mrs. Lopez na isa ring ubod ng strikta tulad ni Mrs. Vasquez. 

Walang araw na hindi ko binasa ang topic ko simula ng maibigay 'yun sa akin.

"Kinakabahan ka pa no'n? Eh Tinalo mo pa si Madam bruha sa pag di-discuss."

"Madam bruha?"

Sino naman si Madam bruha?

"Eh 'di si Lopez, sino pa?" maarteng saad ni Charize.

Hindi ko naiwasang matawa sa bansag na 'yun na ibinigay nila kay Mrs. Lopez.

Hindi naman s'ya mukhang bruha sa totoo lang, pero, mukha ngang bagay ang bansag na 'yun na ibinigay nila.

Nagiging bruha na kasi 'yun kapag hindi ka makasagot sa kanya at hindi maganda ang nagiging performance mo sa klase.

"Maiba ako girls. Hindi pumapasok si hottie these days. Nalulungkot na nga akong mag-aral dahil do'n eh. S'ya lang naman kasi ang dahilan kaya ako uma-attend dito kay Sir Quizon."

"Tama, ako rin 'te," pagsang-ayon ni Charize kay Lorie.

"Hindi pumapasok si Wendel?" biglang singit ko.

Aaminin ko, napaka awkward ng paraan ng pagtatanong kong 'yun na kahit silang dalawa ay nabigla.

Puno kasi ‘yon ng pagtataka na may halong pagngungwestyon.

"Narinig mo naman sis ‘di ba? Kasasabi ko lang hindi s'ya pumapasok. Hindi. S'ya. Pumapasok." Literal na inisa-isa ni Charize ang mga salita.

Naintindihan ko naman kasi. Nagtaka lang ako kaya hindi na n'ya kailangan pang ulitin at isa-isahin.

Hindi ko alam na hindi pumapasok si Wendel sa klase ni Sir Quizon dahil maging ako nga ay hindi nagagawang maka-attend.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now