Chapter twenty one

18 2 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

"I'm excited to see Mr. Hottie again. I really love this class na."

Abalang-abala sa pagsusuklay at pag-aayos si Lorie.

"Kaya nga. Kanina pa ngang nangangawit ang leeg ko. Simula yata nang makapasok tayo rito sa room ay nakatutok lang ang atensyon ko sa pintuan."

Kanina pang umaangal itong dalawa ni Charize dahil ang tagal daw ng asawa nila.

You already know who that man is.

"Keesha. Napapansin ko na close kayo ni Mr. Hottie." baling sa'kin ni Loraine kahit pa abala siya sa paglalagay ng lipstick. "Sa lahat yata ng babae rito, ikaw pa lang ang nakausap niya nang matagal. Kayo lang ang naiwan dito last time 'di ba?"

Pinasaringan n'ya ako nang mabilis na tingin. "Tell me, that's just because of the project right? Nothing more!"

"Oo naman. Syempre, as his partner, we have to collaborate with each other. Nothing more."

"Mabuti na ang malinaw, although alam ko namang hindi kita magiging kaagaw dahil kung meron man, maalin lang 'yon sa mga hipokrita sa tabi-tabi."

Siguradong isa ang kaibigan niyang si Charize sa tinutukoy ni Lorie.

"Madami sila pero ang talagang nakakairita ay 'yung isa d'yan or should I say Kyla, Kylandi."

"Sabi ko na nga ba hindi ako ang tinutukoy mo. I love you na talaga sis."

Lumapit si Charize sa kaibigan at bumeso.

"Duhhhh... you're one of them kaya. It's just that, I don't really mind coz I'm prettier than you."

"So you mean, Kyla is prettier than you?" Tumawa nang tumawa si Charize. "You're threatened by her. Just wow, ngayon ko lang ata narinig mula sa'yo 'yan sis. Threatened ka sa ibang girls around you?" tanong ni Charize kay Lorie.

"Alam mo na I'm not. Mahirap lang kasing pagkatiwalaan ang mga ahas na may kating itinatago." She looked at me. "Saka bakit ako ma i-insecure sa kanya eh ginawa na n'yang coloring book ang mukha n'ya mapaganda lang. If it's Keesha baka pa."

"Ako?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi n'ya.

"Oo ikaw." Nginitian ako nang natural ni Lorie. "Ang ganda-ganda mo kaya, hindi mo ba napapansin? Wala kang kaayos-ayos but you always look fresh and innocent. Lalo na siguro kung nabihisan ka nang maayos."

Bahagya s'yang natawa nang tingnan ako mula ulo hanggang paa.

Hindi nakakainsulto ang paraan niya nang gawin 'yun.

She looked at me like she was imagining me wearing great clothes.

"Alam mo tama. Sumama ka sa'min mamaya, let's go shopping."

"Shopping?" Wala sa hulog kong tanong.

"Alam mo maganda ka na sana eh, ang slow mo lang. Should I consider it slow? No, hindi ka pala slow. Palagi mo lang inuulit 'yung sinasabi ng kausap mo and it's wierd." Hindi maipinta ni Loraine ang kanyang mukha.

"Yah, I recognized it also," saad ni Charize.

"Ahh, ugali ko talaga s'ya. Pasensya na."

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now