Chapter three

57 7 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

Wala akong day off sa trabaho pero nagpaalam ako kay Sir Peter na hindi ako makakapasok ngayong araw. Ngayon kasi ang schedule ng entrance exam ko for Fate University.

Fate U ang tawag ng lahat sa school na 'to. Ewan ko ba, pero hindi maganda sa pandinig ko ang salitang Fate U. Para kasing bad word ang naririnig ko sa tuwing binabanggit 'yon ni Ella.

Kung ako ang masusunod, mas mabuti na buuin na lang ang salitang University kaysa naman masama sa pandinig, pero Fate U na talaga ang tawag dito noon pa lang.

Sino ba naman ako para baguhin ang trademark ng school?

Kasulukuyan akong nakaupo sa waiting area rito sa labas ng campus. Hinihintay ko kasi si Ella. May usapan kami na sasamahan niya ako ngayon. Nauna nga lang siya rito kasi may klase s'yang dapat pasukan kaninang umaga.

Ala una pa ng hapon ang oras ng exam ko at alas dose pa lang ngayon.

Dito sa Fate University ko binabalak pumasok ng Kolehiyo. Si Ella ang nagsabi sa akin na ito ang piliing eskwelahan para raw magkasama kami.

Yes you heard it right. Fate University na may nakakalulang tuition fee.

Noong una talagang nagdalawang isip ako. Alam ko kasing hindi sasapat ang naipon ko mula sa pagtatrabaho as janitress kung dito ako mag-aaral pero sa huli, nakumbinsi pa rin ako ni Ella.

Sinabi niya na marami naman daw akong mahahanap na personal sponsors dito sa school. Marami rin daw scholarships at kaya ko naman daw mag-qualify sa mga 'yon.

Naisip ko rin na wala namang masama kung susubok ako. Kung sakaling hindi makapasa, saka na lang ako hahanap ng school that suits my financial capacity.

Marami namang public schools na pwede kong pasukan kung sakaling hindi ako palarin.

Iginala ko ang paningin ko upang libangin ang sarili. Napakadaming puno sa labas ng campus na talaga namang nagbibigay ng napaka aliwalas na hangin.

Napakalinis ng paligid at hindi maipagkakailang isa ito sa pinakamagandang Unibersidad dito sa Quezon.

May mangilan-ngilang estudyante sa labas at halatang nakaaangat sila sa buhay.
Fate University is an Exclusive University kaya hindi kataka-takang mayaman ang mga students.

Dito rin naman talaga sana ako nakaplanong papasukin nina Mommy noon kung hindi lang nangyari ang mga nangyari, pero tapos na ‘yon, kaya wala ng dahilan para balikan pa.

Buildings were painted red and has big transparent windows.

Tanaw ang ilan sa mga buildings mula rito sa waiting area.

You can see the students in the buildings from afar and even when they're walking down or upstairs.

The main entrance is really fascinating as well. There is the word “Fate” engraved in great stone on the side of the front gate.

It's so captivating that you will automatically give it a glance.

"Keesh." Nawala ako sa pagiging abala nang may tumawag sa akin. Mula nga sa gate ay natanaw ko si Ella.

Sinalubong ko na siya kaagad.

"Ell."

"Keesh." Tinawag n'ya muli ako sa pangalan.

"Ell." Tinawag ko rin s'ya ulit sa pangalan n'ya.

"Kee—"

"Sige tawagin mo ulit ako sa pangalan ko para 'di tayo matapos dito."

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now