Chapter five

54 7 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

Nasa office ako ngayon ni Sir Peter kasama si Ate Jen. Wala sa wisyo ang utak ko para makinig sa mga sasabihin ni Sir Peter sa akin.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi ko nagawang matakot sa maaring maging desisyon niya, bagaman alam kong maari akong matanggal sa trabaho dahil sa nangyari.

Simula nang umalis sina Wendel dito sa restaurant ay hindi ko na nagawang mag-isip at kumilos nang maaayos.

Napakasakit ng mga salitang binitawan ni Wendel tungkol sa akin at hindi ko 'yun matanggap.

Dalawang taon na ang nakalilipas pero hindi ko alam na ganoon ang magiging pakikitunggo niya sa akin sa oras na magkita ulit kami.

Alam ko na hindi ako madaling mapapatawad ni Wendel matapos ang kasalanang nagawa ko sa kanya noon, pero alam ng Diyos na pinagsisihan ko 'yon at hindi ko ginusto ang mga nangyari.

Hindi kailanman magiging madali sa isang tao ang magpatawad at malinaw 'yon sa akin. Alam ko rin na hindi lang basta pagkakamali ang nagawa ko. Alam kong walang sinabi ang pagkakamaling 'yon sa mga pananakit na pwede ko pang nagawa.

I know I have reached the highest extent. I had gone beyond what I could have imagined.

It surely hurt and destroyed him. I was the worst girlfriend he ever had, and it just got worse and worse.

I'm now the worst of all the ex-girlfriends that exist.

I've made the biggest mistake.

I'm the biggest liar.

The biggest regret.

The useless.

The mindless.

"Keesha nakikinig ka ba?"

"O-opo, Sir." Pinilit kong ibaling ang atensyon kay Sir Peter.

"Tulad ng sinabi ko Keesha. It's not the first time na may ginawa kang kapalpakan sa trabaho mo. I'm sorry to tell you this pero hija, this one is unforgivable."

"Sir ako naman po ang may kasalanan at hindi si Keesha. Kung hindi ko po s'ya inutasan na mag-assist ng guest, hindi po sana nangyari 'yung kanina."

Kanina pa akong dinedepensahan ni ate Jen.

Ang karamihan sa mga paliwanag niya ay hindi ko rin napakinggan nang maayos dahil wala talaga sa opisina ang isip ko.

"Nando'n na tayo Jen, pero eskandalo ang nangyari at hindi ko na hahayaan pang may maulit na ganito."

"I understand Sir," wala sa sarili kong sambit. Gulat akong sinulyapan ni Ate Jen.

"Thanks for your understanding Keesha. Alam mo naman na ito ang trabaho ko and I can't tolerate this anymore. You can now fix your things up at pwede ka nang umalis, but before that."

May kinuha s'ya mula sa drawer niya.

"Here's your salary for this month. Binuo ko na 'yan kahit 'di mo natapos ang buong buwan."

"Opo sir. Thank you po."

Inabot ko ang sobre mula kay Sir Peter saka ako lumabas at dumiretso sa stock room kasama si Ate Jen.

"Keesha." Walang nagawa si ate Jen para hindi ako mapaalis pero ang katotohanang ginawa naman niya ang lahat kanina ay sapat na para sa akin.

"Ate Jen 'wag kang mag-alala ayos lang ako."

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Место, где живут истории. Откройте их для себя