Chapter eighteen

29 2 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

"Keesh 'wag ka masyadong mag emote d'yan. Ano bang kulay ng maleta na dala?"

"Purple."

"Oh purple naman pala eh. So, hindi kanya 'yun. Sa babae 'yun for sure. Baka naman 'yung girlfriend n'ya ang aalis."

Ano bang akala nitong si Ella?

Iniiyakan ko na baka umalis si Wendel?

Bakit ba hindi niya talaga kayang magseryoso?

Kahit ngayon lang, sana naman makausap siya nang maayos.

"Ang lakas maka pelikula ng eksena mo 'te. Isinali mo pa itong si Kylle ha. May pa love triangle talaga?"

"Ella pwede ba kung wala kang masabing matino manahimik ka na lang?!" Sa sobrang taas ng boses ko at pagiging seryoso ay natigil siya.

"Keesha are you okay?" tanong ni Kylle.

Okay? Paano? Parang hindi ko na nga alam ang salitang 'yon at kung anong pakiramdam ang dulot no'n.

Paano ako magiging okay?

Wendel is here, and he's ruining me without doing anything.

Bakit ba kailangan pang magkita ulit kami?

Aaminin ko, maraming beses kong hiniling na mangyari ‘to, pero ngayong nandito na, lahat ng bagay ngayon ay gumulo.

Alam ko rin na ako lang ang nagpapakomplikado ng sitwasyon dahil sa sarili kong nararamdaman.

Walang ibang pwedeng sisihin sa kinahihinatnan ng isipin ko kung hindi ang sarili.

"Paano mo nakilala si Wendel?" biglang tanong ko.

Hindi ko na kinailangan pang banggitin ang taong pinatutungkulan ko sapagkat tatlo lang kami rito sa bahay.

"I-I searched for his n-name."

Searched for his name? Halata sa boses ni Kylle na nangangapa siya sa pagsasalita dahil nauutal siya.

"Paano?"

Naupo si Kylle nang ayos. "I really want to know the profoundity of your story, and when you told me about what happened, I searched for him. Wendel Brile Fuentes, I even know his full name. Kahit sa mukha ay kilala ko s’ya."

Ang pagtitig niya ay nagsasabing alam niya na ang lalaking nakabangga ko kanina ay si Wendel.

"For what?

Ano namang dahilan no'n?

Bakit kailangan n'ya pang alamin kung sino si Wendel?

"I just want to know him. Actually hindi ko rin alam ang rason ko. I felt anger and maybe that's one of the reasons."

"Bakit ka naman magagalit?"

Pinagkatitigan niya ako. "Because you didn’t deserve to be left. You didn’t deserve all he did to you, Keesha. He should’ve fought for the both of you. He should’ve done better, not worse.

Madaling intindihin ang mga sinabi ni Kylle.

He's just concerned kaya siguro na triggered siya na hanapin ang lalaking tinutukoy ko sa mga kwento ko noon.

"I'm not just concerned. I was into you already back then. I just couldn't say it."

Tutok lang ang paniningin ni Kylle sa akin. Hindi man lang kumukurap ang mga mata at ang paraan ng pagtitig niya ay hindi nalalayo sa kung anong nakita ko noong una naming pag-uusap.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon