Chapter one

250 13 5
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

"Ohhh... Keesha anak, you look so nervous." Bigla ko na lang nabitawan ang telepono na hawak ko nang biglang pumasok si mommy suot ang napakaganda ngunit simpleng evening gown. Tiningnan n'ya 'ko mula sa salamin at kitang-kita ang paghanga sa mga mata n'ya.

"M-mom madami na bang tao sa labas?" Tanong ko sa hindi mapakaling paraan at sigurado akong nahalata n'ya 'yon.

"Yes, they're actually waiting for you anak and so is your dad." Nakangiting sumulyap sa akin si mommy matapos n'ya 'kong pagmasdan. Hinawakan n'ya pa ang mga kamay ko. "Anak there's no reason to be nervous, it's your day." Halatang masaya s'ya para sa'kin.

Ngiti lang ang naibaling ko kay mommy nang magpaalam siyang umalis upang asikasuhin ang paparating pa raw na mga bisita.

"Calm yourself down anak just enjoy the night and celebrate." Hinalikan n'ya ako sa pisngi saka tuluyang lumabas ng kwarto.

Hindi pa rin ako makakilos. Hindi ko nagawang ipakita kay mommy ang takot na naramdaman ko kanina at maging sa oras na ito. Muli kong hinawakan ang telepono na nabitawan ko nang dahil sa biglaan niyang pagpasok. Muli ko iyong pinagmasdan habang nanginginig ang mga kamay, dahil sa sobrang takot at kaba.

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang muli ay pasadahan ko ang mga lirato na ipinadala sa akin ng hindi ko kilalang tao. Those are nude photos of me with someone. Napakalaswa ng mga ito at sarili ko man ay hindi ko mapigilang pandirian. Nagsimulang magtubig ang mga mata ko hanggang sa hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng aking mga luha when suddenly, I received a message from the person na nagpadala ng mga litrato.

From: Unkown
Enjoying the moment?  Huwag kang mag-alala, hindi lang 'yan ang inihanda kong sorpresa para sa kaarawan mo. Expect for more naughty girl.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko na maramdaman ang aking sarili dahil sa pamamanhid ng buo kong katawan.

Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang maaring maging problema dulot ng mga larawang nakikita ko.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa.

Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng mga luha sa mata ko. Maging ang sagutin ang mensaheng  natanggap ko ay hindi ko na nagawa pang pagtuunan ng panahon.

Damn it!

"Ma'am kailangan n'yo na pong bumaba. Magsimula na po ang program."

Hindi ko man lang namalayan na pumasok na pala ang isa sa mga organizer ng party.
"Okay I'm coming."

Inayos ko muna ang sarili. Hindi pwedeng magmukha akong balisa at taranta kaya bumuntong hininga muna ako bago tuluyang nilisan ang silid.

"Are you ready?"

Inaasahan ko nang siya ang bubungad sa akin sa labas. Prenteng-prente ang pagkakatayo suot ang napakagarang suit na talaga namang dumagdag sa kagwapuhan n'ya.

He's really my definition of perfect kahit wala naman talagang perpekto. He's the type of guy na talaga namang
kahuhumalingan ng mga babae.

He has everthing that what us girls looking for a man. Gwapo, mabait, matalino at bonus na lang ang pagiging mayaman, because he really came from a very wealthy family.
He's my ideal man, and I'm proud to say that I'm his ideal girl.

Sino ba ang hindi magiging proud kung meron kang isang Wendel Brile Fuentes sa buhay mo?

"Yes I'm ready and very excited babe." Isang malawak na ngiti ang iginawad ko sa kanya.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now