Chapter twenty three

18 2 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

"Keesh kung alam mo lang, hindi ko akalain na duduguin din pala ang utak ko. Magdamag akong nakatutok sa libro at laptop na nangagarag na, tapos ang daming files, Eh wala ng space 'yung flash drive ko. So alam mo kung anong ginawa ko? Ginamit ko 'yung flash drive na ninakaw ko sa kaklase ko. Mapapapakinabangan ko naman pala 'yun, Oh! 'wag kang tumingin nang ganyan. Mapera 'yun at madaming pambili kaya hindi ako makokonsensya, choss. Hiningi ko na ‘yun sa  kanya, kaso lang hindi naman niya binigay, so sapilitan ang nangyari. Isinilid  ko sa bag ko nang kita naman niya, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-uusap kasi galit s'ya. Ngayong araw naman kailangan kong mag-review, pero ilang minuto lang sa akin 'yon kasi dalawang subject lang naman ang natitira para sa final exam a—"

"Oo na. Binigyan mo nga ako ng ilang araw na katahimikan, tapos ito pala ang kapalit. Magtigil ka nga. Nakakabingi ang pagiging balakatak mo."

Kanina pang dada nang dada si Ella.

Ni isa nga ata ay wala akong naintindihan.

Sa bilis ba naman niyang magsalita ay parang hindi siya mauubusan ng kwento. Mahirap siyang maipunan ng chika.

"Gayak na gayak ka ata? Suot mo na naman ang pang malakasan mo."

Humagalpak si Ella nang tawa.

"Bakit anong pakialam mo?" Inirapan ko s'ya.

"Taray ng doll shoes natin ah, manikang-manika ka d'yan. Ang ganda rin ng tokong mo at talagang nag tucked in ka pa."

Malakas muling tumawa ang bruha kong kaibigan.

Imbis na pansinin siya ay pumunta na  sa mesa at naupo doon upang magkape.

6:30 na pero wala pa rin si Wendel.

Sabi niya ay ala sais, bakit wala pa siya?

Tinapos ko na lang ang pagkakape ko, pero nang ala syete na at wala pa si Wendel ay napaisip na ako kung tuloy ba kami ngayon.

"Bakit nandito ka pa? Wala pa si Wendel?"

Kanina ay pumasok na si Ella sa loob ng kwarto niya kaya nagtataka ito nang maabutan pa ako ngayon dito na nakaupo.

"Wala pa ng—" Biglang may kumatok sa gate kaya natigil ako.

"Baka si Wendel na 'yon! Go na daliii!" Mas excited pa si Ella sa akin.

Itinulak niya ako sa pintuan.

Nang buksan ko iyon ay hindi nga nagkamali si Ella, it's Wendel.

"Hi Ella," bati nito.

"Hi Del," kakamot-kamot sa buhok na sagot ni Ella.

Del? Napaka tipid naman n'ya. Isasama lang ang Wen tinamad pa.

"Alis na kami." Baling ko kay Ella.

"Sige 'te. Be careful sa sapatos mo, baka matapilok ka sa taas ng heels n'yan."

"Syonga, Sige na." Lumabas na ako nang gate.

"Let's go?" pagtutukoy ko kay Wendel.

He opened the front seat. Hindi ko alam, pero parang mali na do'n ako maupo sa tabi n'ya.

"Sa back seat na lang ako."

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now