Chapter thirty

26 1 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

"Magkasama talaga tayong dalawa sa isang kwarto?"

Nang maibaba ko ang mga gamit ay nagpatuloy ako sa pagtatanong. Kanina, sa information desk ay kinekwestyon ko na si Wendel.

"What's wrong with that?" seryoso nitong tanong.

Walang sabi-sabi inagaw ni Wendel ang maleta ko mula sa aking kamay at dinala iyon sa isang gilid katabi ng maletang dala niya.

"Tatayo ka na lang d'yan?"

"Wendel! Alam mo pwede akong kumuha ng sarili kong room kung nagtitipid ka."

"Sino bang nagsabi na nagtitipid ako? This room is for two people and costs more than our tuition fee in school."

"Eh bakit iisa lang ang kama? Sabi mo for two people. Niloloko mo ba ako?"

May isang maliit namang sofa ang silid bukod sa iba pang mga gamit na naroroon. Naupo si Wendel sa kama at pinagpag iyon kasabay ng nakakalokong sulyap at ngiti.

"For couple?"

Disgusted.

"Anong for couple? Wendel umayos ka! Sinasabi ko sa'yo!"

"I miss sleeping beside you." Ang malagom at lalaking-lalaking boses ng lalaking ito na kasama ko sa silid ay nagbigay sa akin ng nakakabaliw na pakiramdam.

Hindi ko maitatanggi sa sarili na may parte sa akin na natuwa nang marinig iyon sa kanya.

I'm disgusted, really disgusted.

"Don't worry, I won't do anything out of the line."

Imbis na sagutin si Wendel  ay tinungo ko na lang ang kinalalagyan ng aking maleta at nagkunwaring may kukunin doon.

"But if you're not comfortable sharing the same room with me, I'll go downstairs to get you one."

"Wala naman akong sina—"

"Good." Mabilis siyang nagtanggal ng sapatos at pabagsak na humiga sa kama habang nakadipa ang mga kamay. "I'm tired, hindi na ako maliligo. Try your best to resist my smell na lang."

"Pupunta na ako sa cr kung gano'n. Mag half bath lang ako."

"Bakit ka nagpapalam?"

"Ha?"

"Bakit ka nagpapaalam? Tss," naiinis na pag-uulni Wendel .

Ano bang sinasabi niya?

"Hindi ako nagpapaalam, sinasabi ko lang."

"It sounds like you are my wife asking for me to wait. I like it though."

Naiirita kong kinuha ang towel at susuotin ko papuntang banyo at hindi na siya pinasadahan ng tingin.

Siguradong kapag ipinakita ko pa na naiinis ako ay mas lalo niya lang ipagpapatuloy ang pang-aasar.

Seryoso ba s'ya?

May sampung minuto na akong nasa banyo, pero hindi pa rin ako nakakapagsimulang magbasa man lang.

HINDI.

Sigurado ako na nagbibiro lang s'ya. Keesha, stop assuming things. You're here with him without something.

Alam mo ang napag-usapan ninyong dalawa.

Nang matapos ako ay nadatnan ko si Wendel na nakaupo sa kama, naka krus ang mga kamay at mukhang may malalim na iniisip dahil maging ang presensya ko ay hindi niya nagawang makita.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα