Chapter seventeen

25 2 1
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

I am now here in an elegant restaurant with this man in front of me.

He just pulled me to his car and wala na akong nagawa. Nandito na ako ngayon kasama s'ya.

The restaurant is a bit dim and every table has its own small chandelier with crystals that creates a shimmering effect, though it doesn't make your sight poor due to the light it gives.

The vintage table is so elegant as well, and the arrangements of flowers in the center make it more prestigious.

The restaurant is not that crowded and most of the tables are not occupied.

The walls have massive and impressive red curtains that give the ambiance of a palace.

Napakaganda talaga at ngayon pa lang ay alam ko na kung gaano kamahal dito.

"What is this?" walang emosyong tanong ko. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin at para bang walang siyang narinig. "Uy Kylle, sabi ko ano 'to?"

Ipinatong niya ang kamay niya sa table at pinagtag-op ang mga palad.

"We'll have a date." Agad niyang binawi 'yon nang mas lalo ko siyang pinagkatitigan. "I'll give you a treat; that's what I mean."

"Akala ko ba malinaw ang usapan natin?" nangunguwestiyon kong tanong.

"What's the problem? I took it back right away, anyway," depensa ni Kylle.

"Anyway-anyway. Umaayos ka nga. Saka 'yang mga gawain mo na basta mo na lang ako dadalhin sa kung saan." Pinagkatitigan ko pa lalo s'ya. "Hindi ko nagugustuhan!"

Nagbaba nang tingin si Kylle at alam kong napahiya siya. I felt guilt right after.

I witnessed the tears in his eyes.

Alam kong pinipigilan niya 'yon kasabay nang pagsinghap at pagbuntong hininga.

"Sorry," Napakalamig na tugon niya. "I just can't stop myself, especially now that..."

Now that?

Kylle took my hands. He held it for seconds, and I don't know why I let him.

"Sorry if I'm overacting and being demanding. Alam ko naman na hindi mo nagugustuhan 'yung mga ginagawa ko. Lalo na 'to." Ang pamimilit ang tinutukoy niya.

"I know you know that I'm just taking advantage, pero 'di ba sabi ko hayaan mo lang ako? Malinaw naman 'yon 'di ba?"

Ang paraan ng pananalita ni Kylle ay parang nagmamakaawa na sabihin kong ayos lang sa akin ang ganitong set-up.

Sa totoo lang, naiisip ko ngayon na parang hindi ata maganda ang naging desisyon ko na payagan s'ya, na hayaan lang si Kylle na ipakita kung anong nararamdaman niya para sa akin.

Sa nakikita ko, mukhang mas malala pa sa nasa harapan ko ang pwede kong masaksihan kapag tuluyan siyang nawasak sa dahilang hinayaan ko pa na patagalin ang isang bagay na alam ko naman ang kahihinatnan.

I will surely blame myself if that happens.

Tinangka kong bawiin ang kamay ko ngunit pinigilan 'yun ni Kylle at mas lalo kong ikinagulat ang sunod niyang ginawa nang umob-ob siya at umiyak doon habang ang aking kamay ay nanatiling nakakulong sa kanyang mga palad.

"Kylle, sa tingin ko hindi na tama."

Dahan-dahan siyang tumunghay at hindi ko alam kung paanong lalabanan ang mga tingin niya.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now