Chapter thirty four

25 1 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

"Keesh my gosh! Hindi ko talaga akalain na Graduation na this coming Friday."
Ang normal na Ella ay patuloy sa pagtalon dala ng pananabik. "Like 'di ba? After so many years, nandito na at paparating na! I'm dyinggg!!!" Kunyari pa siyang nawalan ng malay at isinandal ang ulo sa upuan.

Kahit na anong gawin ko ay hindi ko pa rin alam kung paano aalisin sa isip ang mga nangyari noong nakaraang linggo.

Hindi ko pa rin nakakausap si Wendel matapos ang huli naming pagkikita. Wala siyang kahit isang text sa akin at hindi siya tumawag kahit isang beses man lang idagdag pa ang mga sinabi ni Kaizer nang magkita kami.

Paano ko haharapin nang normal si Ella gayong ginigulo ako ng mga salitang sinabi ng lalaking 'yun patungkol sa kanya.

Hindi ko magawang pagdudahan si Ella dahil alam kong walang kahit anong itinatago ang isa sa amin, pero sa nakaraang linggo kong pakikisama ay hindi ko alam ang naging pakiramdam ko.

Hindi ko alam kung sa akin may mali dahil wala namang masamang ipinapakita sa akin ang kaibigan ko. Marahil nadala lang ako sa mga sinabi ni Kaizer.

"Keesh alam mo I'm really excited to get my diploma. I'm crying." Niyugyog niya ang kanang balikat ko.

"Oo na, you're crying na. Ang arte mo," bulyaw ko sa kanya.

"Napaka wala mo namang support." Inismiran niya ako.

"Ella may tanong ako, pero gusto ko lang ng totong sagot." Naglakas loob akong kunin ang pagkakataon na kausapin si Ella.

Isang linggo ko nang dinadala ang tanong na 'to kay Ella at alam kong hindi ako matatahimik kung hindi ko 'yun sasabihin sa kanya.

"Sige lang ano 'yun?"

"Matagal na tayong magkaibigan. Alam kong nangako tayo sa isa't isa na wala tayong sikretong itatago pero..." Kahit na kabado ay tinanong ko pa rin si Ella ng diretso. "Hindi ka ba nagsikreto sa akin o nagsinungaling kahit isang beses?"

Alam kong nabigla si Ella sa tanong ko.

Na-guilty tuloy ako sa naging reaksyon niya. Baka mamaya isipin niya na pinagdududahan ko ang pagiging totoo ng pagkakaibigan namin.

"Bakit mo naman natanong?" Bahagya itong umumis. "Syempre, hindi."

"Wala lang." Sa muling pagkakataon matapos ang huling beses ay lumapit ako sa kanya at bahagyang yumakap. "Nakita ko si Kaizer noong kabilang linggo. Takot na takot ako Ell."

Naramdaman ko agad ang pagbilis ng tibok ng dibdib ko at ang pagbigat ng aking pakiramdam. Mabilis na tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

Si Ella lang ang natatakbuhan ko sa mga oras na hindi ko na alam ang gagawin.

"Dumating din si Loreighn last week. After no'n, hindi ako nakatanggap ng kahit na isang text man galing kay Wendel. Hindi ko na alam ang gagawin Ell."

Halos ibigay ko na ang lahat ng bigat ko kay Ella sa sobrang pag-iyak habang nakayakap sa kanya at hindi ko na inalala pa 'yun.

"So-sorry kung nagawa kitang kwestunin. Ang gulo-gulo lang talaga ng isip ko."

Nanatili lang kami sa aming posisyon hanggang sa maramdaman ko na rin na umiiyak na si Ella.

Sa unang pagkakataon ay hindi siya tumugon sa mga sinabi ko tungkol sa problema ko.

Sinabayan lang niya ako sa pag-iyak. Matapos iyon ay nanatili ako sa kwarto. Walang kahit na anong reaksyon akong natanggap mula kay Ella.

Sinabi lang niya sa akin na kailangan ko nang magpahinga kaya hinatid niya ako sa kwarto ko.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now