Chapter twenty six

19 2 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

Dumaan ang mga araw at naging madalas ang pagkikita namin ni Wendel.

Araw-araw niya akong hinhintay sa entrance tuwing martes ng umaga dahil parehas kami ng oras ng pasok sa araw na 'yun. Gusto lang daw niya na sabay kaming dalawa.

I also got a new job.

Nakakuha ako ng trabaho sa isang fast food chain as crew.

Nagkakaroon na nga lang ako ng bakanteng oras tuwing araw ng linggo.

Hindi kailanman pumalya si Wendel sa pagsundo sa akin tuwing uwian. Kahit pa maagang natatapos ang klase niya ay naghihintay siya o 'di kaya ay bumabalik ng campus galing sa bahay.

Maging sa trabaho ko ay sinusundo niya ako.

"Keesh pupunta raw si Kylle rito. Baka naman gusto mong tumigil ng bahay kahit ngayon lang."

Sa paraan ng pagsasalita ni Ella ay parang hindi ko na nagagawang pumirme sa bahay.

Malimit ngang gano'n kaya, hindi ko s'ya masisi kung may ibang pakahulugan ang tono ng pananalita n'ya.

Everything goes that way.

I had no clear motive, but I still jumped on it.

Both Ella and Kylle know everything. Alam nila kung anong meron sa aming dalawa ni Wendel.

Sa totoo lang ay tutol sila, pero wala na silang nagawa nang sabihin kong gusto ko 'to at gusto ko lang na tanggapin nila ang desisyon ko bilang kaibigan.

They said that they couldn’t tolerate my mistakes, but in the end, they weren’t able to resist them.

Hindi nila ako natiis, even Kylle. We’ve been really good friends until now, and he’s already accepted that we can’t be anything as he wants us to be.

Bumalik na 'yung dating relasyon naming dalawa. No awkwardness at all.

"May pupuntahan kami ni Wendel ngayon, Ell."

Walang gana itong tumango at umalis sa kusina.

Dumiretso siya sa kwarto niya.

Nararamdaman ko ang paglayo ng loob sa akin ni Ella.

Maging kay Kylle ay nararamdaman ko ‘yun, pero hindi sa paraang ipinaparamdam sa akin ng matalik kong kaibigan.

Hindi siya tahimik at lalong hindi niya ako iniiwan nang basta-basta sa gitna ng pag-uusap. Hindi na rin niya nagagawang mang-asar, maraming nagbago at kahit na pansin ko ‘yun, hindi na lang ako nagsasalita.

Alam kong nagtatampo si Ella dahil nawawalan na ako ng oras para sa aming dalawa, pero may parte sa akin na iniisip na maiintindihan naman n'ya siguro ako.

She's my best friend.

Biglang tumunog ang telepono ko.

One message received
From:Wendel
Good morning, I'm on my way.

Sobra ang saya na naramdaman ko nang makakuha ako ng mensahe mula kay Wendel.

Dali-dali akong gumayak. Ilang beses ko pang tiningnan ang sarili ko sa salamin.

I'm wearing my sundress, paired with my new scarpin heel shoes.

Ngayon lang ulit ako nakapagsuot ng bago at magarang sapatos, nakakapanibago 'yun sa pakiramdam.

Nabili ko ang suot ko nang sale sa isang famous shoe store kaya hindi na ako nanghinayang na gumastos dahil minsan lang naman.

Ang makitang bagay na bagay 'yun sa dress na suot ko ay nakakatuwang tingnan.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now