Chapter twenty two

20 2 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

Dumaan ang mga araw. Naging abala ako sa mga activities and lectures for my majors.

As a BS Education student specializing in Social Studies, most of our subjects cover more than just a specific course. Marami sa mga tao, iniisip na tungkol lang sa history ang pinag-aaralan namin but it's not.

Maraming branches ang Social Studies like other subjects. It actually covers broad topics that go beyond what you can ever imagine, especially when you're new to the said course. Napaka daming libro sa mesa ko. May tungkol sa Philosophy, Economics, Geography at marami pang iba.

Hindi ko na nga alam kung anong una kong babasahin.

Walang dalawang maingay sa tabi ko dahil I'm in my major class pero mayroon lang ipinapagawang essay about the previous lessons at maaga ko naman 'yong natapos.

Napagdesisyonan kong buksan ang Philosophy book.

While scanning, hindi ko akalain na may maaagaw ang atensyon ko. It's an Aristotle's quote or should I say philosophy about love.

Natawa ako nang isiping bakit may napasama dito na tungkol sa love.

Hindi naman 'yon imposible dahil lahat naman ng bagay ay mayroong kanya-kanyang pilosopiya.

Talagang natawa lang ako.

It says in the book that Aristotelian view of love is self love and doing good for other's sake and for no other reason.

It really amazed me while reading it.

Kung kanina ay hindi ako makapaniwala sa aking natuklasan sa libro, ngayon ay natutuwa ako sa nabasa.

I'm not that familiar with lots of philosophers, pero syempre I know who Aristotle is.

Aristotle is right when he says that love is about rendering care without expecting something in return. I am living proof that love exists in that manner.

Love is not just about romantic love. These days, after hearing the word "LOVE" the first thing that comes to our mind is our partners, future love ones, or present lover at 'yun ang problema sa marami.

Kung iisipin, isn't so overrated?

Love is more than having a special someone. It's more of it than making the romantic emotion because, for me, it's about creating dimensions.

Dimensions of care, thought, and appreciation for anyone, like what I have experienced with the orphans.

Natuto akong magbigay ng sapat na oras, pagmamahal at pag-unawa sa kalagayan nila.

I was able to help and lend my time to reaching them out, and I did it for their sake and for no other reason.

Mapait akong napangiti sa kawalan.

Nang matapos ang klase naming 'yon sa isang major subject ko ay dumiretso ako sa outdoor activity field kung saan ako malimit magpalipas ng oras.

Napaka aliwalas talaga ng paligid sa lugar na 'to.

Sa mga araw na lumipas, tila hindi ko na nagagawang makamusta ang mga kaibigan ko.

Ella and I are both busy.

Kahit sa bahay ay literal na nagkikita na lang ata kami at hindi na nagkakaroon ng oras na magsabay sa pagkain o magkaroon ng kwentuhan.

Nakita ko kung gaano kadami ang mga school works n'ya and as a third year nursing stundent. She has so many case studies to do.

Makita pa lang ang nagkakapalang libro at photo copies niya ay sinusukuan ko na.

Ano pa siya na pinag-aaralan 'yon.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon