Chapter thirty three

31 1 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

"Determinism vs Free will ano sa tingin n'yo ang mas powerful?"

Philosophy subject here it comes.

Of course, determinism ma'am," sagot ng isa sa mga kaklase ko.

"Why do you say so?"

"Everything is written and people have nothing to do with what is said to happen. Kahit pa anong gawin mong choice sa buhay, you will end up at the same destination where you were meant to be. God has planned everything."

"How about the others? What are your insights?"

Sa totoo lang, philosophy ang isa sa mga paborito kong pag-aralan, pero wala ako sa sarilli para makisali sa usapan nila.

Gayunman, nanatili pa rin ang atensyon ko sa discussion at mas pinili na lamang makinig.

Apat pang estudyante pa ang nagbigay ng sariling opinyon at pananaw at tulad ng nauna ay determinism ang nabanggit nilang mas lamang sa dalawa.

"I'd go for free will." ma-awtoridad akong tumayo.

Alam kong sa buong klase ay mayroon akong kaparehong opinyon ngunit wala akong narinig kaya minabuti ko nang magsalita.

"Oh, Why is that Ms.Bernal?"

"I fully respect all of your answers, but I think we as people are given the greatest opportunity for ourselves and that is for us to choose our different paths and destinations. Everything is planned, you’re all right, but those plans are all for the good and not for the bad."

Tulad ng malimit na mangyari sa tuwing magsasalita ako, lahat ng aking mga kaklase ay tutok sa aking pagsasalita.

"Kung iisipin mo nang mas malalim, nagkakamali ang tao dahil sa sarilli n'yang desisyon. We all know what's the right thing to do, and that's what God intended for us to remain on track, the track he wants for all of us. Kahit na aware tayo sa tama, nagagawa pa rin nating piliin ang mali. Bakit kaya gano'n?"

Isa-isa ko silang tiningnan.

"Yun ay dahil tayo ang gumagawa ng sarili nating destiny. Everything is not a planned destiny for it is a destination we choose for ourselves. Ang dumating sa eskwelahan na ito para mag-aral ay isang destiny, at ang paghahangad na makatapos ay maliwanag na tadhana. Tadhana na gusto mong mangyari at tadhana kung saan mo nakikita ang sarili mo."

Napagiti ako sa isa pang isipin at nagbigay ng isa pang halimbawa.

"Ang magmahal ay isang destinasyon, at ang masaktan at maiwan? is clearly a destination itself. Siguro iniisip n'yo ngayon, hindi naman pinili ng mga taong nasaktan ang masaktan sila, pero mali kayo do’n. That's still a destination they chose for themselves. Love is taking risks, and it has consequences. It's whether you fall or you fly. Hindi mo pwedeng piliin ang pagmamahal na naka focus ka lang sa pagmamahal na babalik sa'yo at hindi sa sakit o pagdurusa na maaring dumurog ng puso mo sa huli. You totally cannot, at kahit na alam mo 'yun, you will still jump on it ‘di ba? You will. That's you're free will."

Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita at hindi inisip ang nakokunsumo kong oras. Ang mahalaga sa akin ay masabi ko ang gusto kong sabihin.

"At the end of the day, may magawa man tayong maling mga bagay o desisyon, it's not too late to change it for the better; it still depends upon our free will. As long as we live, we have the power to set ourselves up for the brightest future ahead, to the brightest destination."

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt