Chapter thirty two

21 1 0
                                    

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

"Dad, nabasa ko na 'yung sulat mo. Alam mo ba? pinaiyak mo ako nang sobra." Mapait akong ngumiti. "Mas maganda sana kung narinig ko 'yon mula sa'yo at hindi lang nabasa sa isang papel pero, salamat."

Ang kausapin si Daddy habang nakatayo sa tapat ng puntod niya ay hindi magandang ideya para sa akin na hanggang ngayon ay hindi pa rin makausad.

"Mas maganda sana kung nasubukan natin mag seasaw 'no?"

Malaya kong tiningala ang maasul na kalangitan at ilang mga ibon na malayang ikinukumpas ang mga pakpak sa himpapawid.

"Mas maganda sana kung sabay tayong aakyat sa entablado para kunin ang unang medalya na isasabit sa paboritong mong anak. 'Wag kang tututol dad ha! Sinabi mo 'yon sa sulat, paborito mo 'ko."

Nakagat ko ang sariling labi, huminga nang malalim at dahan-dahang pumikit.

"Bawal umiyak."

Marahan kong nilingon ang lalaking papalapit sa akin.

"Hindi ako iiyak 'no!"

"Good."

"Tara na?" pag-aaya ko.

"Hindi ba ako pwedeng magpaalam kay daddy, bago tayo umalis?"

Nagtaas siya ng kilay at nangingiting pinagkatitigan ako.

Ilang buwan na ang lumipas nang nawala si dad at palaging kong nakakasama si Wendel sa tuwing pupunta rito.

Halos dumaan din ang nga araw na siya ang lagi kong kasama maging sa University.

"Daddy ka d'yan! Tara na."

"May naisip akong puntahan, magugustuhan mo do’n."

Maningning niya akong pinagkatitigan at inilahad ang kanyang kamay.

"Lagi mo namang sinasabi na magugustuhan ko ang lugar na pupuntahan natin well in fact, hindi naman," pang-aasar ko.

"Totoo? Hindi mo nagustuhan 'yung mga pinuntahan natin?" nagtatakang  tanong ni Wendel.

Tumango lang ako. Sa itsura ng mukha niya ay para bang dismayado siya.

"Hindi eh, you always do. Nag-eenjoy ka alam ko."

"Syempre ipinakikita ko lang na masaya at nag e-enjoy ako para naman ma-acknowledge 'yung efforts mo."

"You're kidding right?" kunot noong tanong niya.

"No, of course I'm not."

Kinagat niya ang sariling labi at hindi alam kung paano muli sisimulan ang pagsasalita.

"If the places we've been to, were not that enjoyable, this will surely be."

Masigasig niya akong hinila at banayad na pinangunahan ako sa paglalakad nang hindi binibitawan ang aking kamay at hindi nililingon.

"Get in." Matapos akong pagbuksan ni Wendel ng pinto ng kotse ay mabilis na rin siyang sumakay. "This will surely be. I'm telling you." Madiin niyang saad bago pinaandar ang sasakyan.

Nakakatawa dahil sineryoso niya ang sinabi ko kanina.

Ang naging paraan ni Wendel ng pananalita ay wala sa tonong pagalit, ngunit ang pagiging seryoso ng kanyang boses ay nagsasabi na may gusto s'yang patunayan.

Malay Mo Tayo [Published Under IMMAC PPH]Where stories live. Discover now