SIMULA

1K 22 2
                                    

Xiomara Dela Costa's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Xiomara Dela Costa's POV.

"Pahingi na, please?" sabi ni Ryla, nagpa-cute pa ito kaya isang irap ang binigay ko sa kanya bago pumasok sa loob ng classroom.

"Mara naman, eh!" Imbis na pansinin ang tantrums niya, tumuloy ako sa upuan ko wala ako sa mood para pansinin siya.

She is a headache that cannot be cured.

She pouted. "Ang daya mo talaga parang jammin lang, ang damot mo naman isumbong kita sa teacher na nagyoyos--"

"Sa'yo na pati plastik," inis kong sabi. Pinagkalandakan ko sa mukha niya ang isang pack ng jammin na dapat sa akin lang. Kahit kailan ang hilig niyang dumada sa maling lugar.

Iniisip ko tuloy kung paano ko ba siya ipapa-salvage, nang sa ganun ay manahimik kahit pa paano ang aking kaluluwa.

"Salamat! Hindi na kita isusumbong." Inirapan ko na lang siya bilang sagot at mas piniling paglaruan ang hawak kong ballpen.

Gusto ko pa sana magyosi kaso mahuhuli ako sa klase kaya mamaya na lang siguro, stress ako sa grades ko na puro tres. Ang sakit sa eyes.

Natigil sa pagkain si Ryla sa pagdating ng professor, na dali-dali pang tinago sa tote bag niya ang pagkaing ngina-ngat ngat niya.

Akala naman niya kukunin ko. Pera na lang niya pambili ng yosi, ginawa ko lang naman na substitute 'yon para matigil ako pansamantala.

Unhealthy but at least it decreases the addiction. I can consider myself an addicted smoker who can't afford to finish a day without smoking a cigarette, one to four I think? It depends on how stressed I am.

The professor stood in front of the desk. "Settle down class, for today... hindi muna tayo magkaklase para naman hindi kayo mabaliw ngayong kakatapos lang ng exam at labasan ng grades. Pero... darating ang mga bagong officers ng department niyo para magpakilala, may announcement silang ibibigay and I hope all of you will cooperate. Naintindihan niyo ba?"

Sumang-ayon ang iba sa sinabi nito habang ako ay nanahimik lang. Hindi ako ganoong madaldal pero mabuti akong studyante sabi ng kaluluwa kong lutang na naman.

Ramdam ko ang pagkalabit sa akin ni Ryla kaya hininto ko ang paglalaro sa hawak kong ballpen para lang tignan siya.

Malay ko ba kung ano na naman ang sasabihin nito.

"Ano kaya sa tingin mo ang itsura ng mga bagong officers? Balita ko kaninang umaga may mga pogi raw lalo na yung newbie na maraming bumoto sa kanya kahit bago pa lang siya."

Nagkibit balikat ako, hindi naman ako bumoto kaya hindi ako maka-relate sa chismis sa akin ni Ryla.

Absent kasi ako nung araw na
iyon at mas piniling mag-billiards sa labas lang naman ng school. Hindi rin naman kasi ako masyadong nakikisali sa mga ganap sa school kaya wala akong kaalam-alam.

"Hindi naman halatang mahilig ka sa pogi noh?" I said and rolled my eyes. "Kaya ka hindi nagkaka-love life dahil pogi hanap mo."

"Hiya naman ako sa'yo, syempre kung papasok na rin lang ako sa isang relasyon doon na ako sa pogi para kapag break na kami, maipagmamalaki ko sa iba na pogi ang naging ex ko. Lalo na kapag nagkita kami after break up," proud niyang sabi na akala mo naman may iaambag sa buhay ang mga lumabas sa bibig.

Tinanguan ko na lang uli siya dahil kapag umangal ako at hindi sumang-ayon mas lalo lang 'yang mag-iingay na ayokong mangyari.

Ilang katok sa pinto ang nagpakuha ng atensiyon ng iba at kasama na ako doon hindi para tignan kung may pogi, kundi para hindi ako naiiba sa lahat. Wala rin namang gagawin masyado edi makisama na lang tayo.

Sinalubong sila ng professor namin na naging dahilan para alisin ko ang tingin sa kanila.

Let me guess, they will make a long speech again and say their agenda, which of course comes with the demonstration of their talents.

Hindi ba ganun naman kahit sa mga campaign?

But in this university, online ang campaign nila para hindi abala sa mga klase kapag naglibot sila sa bawat room.

Nakatitig lang ako sa nilalarong kong ballpen kahit na parang inasinan na uod ang katabi ko sa kilig.

I'm not going to deny that I am attracted to handsome boys, because most of us are like that now. We always judge a person first by their face before their personalities.

Natural na daw sa atin 'yun, pero kapag masama ang ugali tapos may magandang mukha, pass na ako kasi ayoko sa mga ganun.

"Hello sa inyo, ako nga pala si Fabius Arcega, ang bagong secretary ng org."

Kusang tumigil ang kamay ko sa paglalaro ng ballpen sa aking narinig. Bumilis ang tibok ng puso ko na nagpa-angat ng tingin ko sa taong nagsasalita sa harapan.

He smiled. "Salamat sa pagboto niyo sa akin," masayang sabi nito.

Malakas na hiyawan mula sa mga babae ang bumalot sa buong silid ngunit parang naging bingi ata ako.

When his eyes met mine, conflicting emotions shot through me that knocked me out of my seat because of him.

Is this even possible?

The smile on him fades, but I can see that he already knew because he wasn't surprised at all.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Ryla pagtayo ko sa aking kinauupuan.

Iwas tingin kong hindi siya sinagot bago nagtuloy na lumabas ng classroom, the professor won't mind anyway.

Dumiretso ako sa restroom, kung saan mabibilis na paghinga ang kumawala sa aking bibig at ramdam ko ang pagpatak ng luha sa aking mata.

The pen I am holding was cut into two pieces that made my fingers bleed. But the pain doesn't hit me and I can't feel any pain because my mind is blank. Sa sobrang blanko, napatitig ako sa salaming kaharap ko.

"H-he is a-live?"

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon