11

237 4 0
                                    

Bumungad sa'kin si Tita Sabel na puno ng pag-aalala pag-uwi namin sa bahay pati ang ibang kasama ko sa bahay na hanggang pagpasok ko sa kwarto'y na sa akin ang kanilang tingin.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Tita sa'kin na hindi ko sinagot. Bagkus, humiga ako sa kama at tinalikuran siya.

Guilty ako sa mga kilos na ginagawa ko para iwasan siya. Pero kahit ganun, hindi ko maiwasang manahimik dahil alam kong ipagpipilitan niya ang kagustuhan nitong gumaling ako.

I heard noises. "Mukha pong dahil lang sa kinain niya, mas maigi po siguro kung hahayaan muna natin siyang magpahinga," Fabius said.

Pumikit ako't nakiramdam sa paligid. Just please... leave me alone.

"Tumayo ka d'yan Mara at kausapin mo ako," nagbabantang sabi ni Tita. Mas napapikit lang ako't hindi siya sinunod.

"Tita..."

"Xiomara!" malakas na sigaw nito.

Malakas na buntong hininga ang kumawala sa akin bago mapagdesisyunang umalis sa pagkakahiga't tignan siya. Nasa likuran niya si Fabius na nakatitig sa akin ngunit iwas na tingin ang ginawa ko sa dalawa.

"Ayos na po ako kung 'yan ang inaalala po ninyo. Kaya pwede na po ba akong magpahinga?" mahinahon kong pakiusap.

"Hanggang kailan mo ba papahirapan ang sarili mo ha?" sagot niya na nagpakunot sa noo ko.

Hindi ko naman kasalanang nagka-diarrhea ako dahil sa pagkain ng matamis, eh.

"Bakit ka na-hospital kamakailan?" dagdag niyang sabi na unti-unting nagpawala ng pagkakakunot ng noo ko.

Sino namang nagsabing na-hospital ako? 'Wag niyang sabihing sila Ryla dahil alam kong ayaw din nilang ipaalam ang nangyari kay Tita dahil sa ugali nito.

I looked into her eyes. "Lasing po ako nun, 'yun po ang dahilan wala ng iba."

"Lasing... bukod sa paninigarilyo mo naglalasing ka pa rin? Ano? Nagbi-billiards ka pa rin ba at nagsusugal? Sabihin mo nga, Mara ano ba ang balak mo sa buhay mo bukod sa gusto mo ng mamatay?"

"Mamatay ulit," agaran kong sagot na nagpaawang sa kanyang bibig.

Maski si Fabius na nakikinig ay parang hindi makapaniwala sa agaran kong sagot na hindi ko man lang pinag-isipan.

Tumayo ako at umalis sa kama, kinuha ko ulit ang bag ko bago sila muling haraping dalawa. Walang mangyayari kung nandito ako sa bahay habang nandito si Tita. Kahit hindi ko alam kung sino ang nagsabi, hindi ko na lang pagtutuunan 'yun ng pansin dahil kahit malaman ko magsasayang lang ako ng inis at galit.

Marami na akong nailabas na ganun ayoko ng dagdagan pa. Kapagod.

"Ayoko pong mas maging bastos sa inyo, Tita kaya aalis po muna ako," may galang kong sabi bago nagtuloy tuloy na umalis ng kwarto.

Naabutan ko pa sila Denver na sumalubong sa akin pero blankong tingin lang ang binigay ko sa kanila.

▪▪▪

"Oh? Nagpakita ka ulit dito, akala ko ba mag-aaral ka na ng mabuti?" natatawang sabi ni Zaid. Inakbayan pa ako nito habang sabay kaming papasok sa loob ng bilyaran.

As usual, puno ng tao sa loob at usok na galing sa mga sigarilyo at vape. Halo-halo rin ang amoy sa loob na nakakasulasok para sa mga normal na tao.

"Akala ko rin, eh."

"Alam naman ba ni Ravier na nandito ka? Baka mamaya niyan pumunta ang kambal niya rito't magalit sa amin hahaha!" Napairap ako't kinuha ang hawak niyang sigarilyo. Inalis ko rin ang pagkakaakbay niya sa'kin saka lumapit sa isang upuan kung saan nilapag ko ang dala kong bag.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now