28

193 6 0
                                    

"Saan mo ba kasi ako dadalhin, Ate?" takang tanong ko dahil patuloy lang siya sa paghila sa akin paglabas namin ng kotse.

I looked around to see where I am, but find myself in a garden full of flowers that have already bloomed.

"Ate Iona, papagalitan ako nila daddy kapag hindi pa tayo bumalik."

"Ipapaalam kita, ako ang bahala hindi ka nila papagalitan saglit lang naman tayo rito." I crossed my arms and agreed kahit na parang hindi tamang tumakas kami ni Ate sa piano lesson.

Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito sa garden pero mukhang may hinihintay siya at hindi ko alam kung sino. Mahuli lang talaga ako ni daddy lagot ako nito pag-uwi.  Last time na nag-skip ako, hatid sundo ang ginawa niya at ni-limit pa nito ang paggamit ko ng gadgets.

Sana lang at makalusot kami ni Ate dahil siya naman ang may kasalanan kung bakit kami nandito.

After few minutes, tumayo siya at may kinawayan. Sumingkit pa ang mata ko nang matanaw ang dalawang lalaking papalapit sa amin. Parehas silang gwapo lalo na ang lalaking nasa likuran ng kasama niya pang lalaki na mukhang kasing edad lang ni Ate Iona.

"Sorry matagal ka bang naghintay?" paumanhin na sabi ng lalaking nasa harapan. Nginitian naman siya ni Ate bilang sagot bago tumingin sa akin.

The moment I laid my eyes on the boy behind the guy Ate Iona spoke to, my heart was beating so fast and I felt like my cheeks were burning.

Ano 'yun? Dahil ba gwapo siya kaya ganito na lang ang naging reaksiyon ko?

"Xiomara, dito muna kayo ha? May sisilipin lang kami," she said and looked to the other guy. "Ikaw na muna ang bahala sa kanya."

Bago pa man ako makapagsalita, hawak kamay silang umalis ng unang lalaki na hindi ko alam ang pangalan. Nagtawanan pa sila na ikinataka ko saglit.

"Ahm... alam mo kung saan sila pupunta?" awkward kong tanong. Umiling naman siya kaya napatango na lang ako.

Iba ang awkward na namamagitan sa aming dalawa. Alam niyo yung feeling na parang may gusto kayong sabihin sa isa't isa pero hindi niyo alam kung paano magsisimula?

"So, ano."

"Gusto mong kumain?"

"Ha?" taka kong sabi.

Napakurap ako ng ilang beses hanggang sa sabay kaming napangiti na napunta sa pagtawa.

"I'm Fabius by the way," smooth na pagpapakilala nito at nilahad ang kamay sa aking harapan.

Tinanggap ko naman ito't nagulat kaunti sa lambot ng kamay niyang parang kamay ng isang babae. "Xiomara, kaano ano mo yung kasama ni Ate?"

"Kuya ko, hindi ba sinabi sa'yo ni Ate Iona na boyfriend niya si Kuya?"

Boyfriend? Nako... bawal pa siya, ah.

"Hindi, eh kailan pa? Ang pagkakalam ko bawal pa siyang magka-boyfriend." Inalis ko na ang kamay kong nakahawak sa kanya't hinarap siya ng maayos.

"Ang alam ko one month na? Hindi ko lang alam."

Napatango ako't bumuntong hininga. Bahala na si Ate d'yan kung mahuli siyang nagtatago ng relasiyon sa magulang niya hindi naman ako ang papagalitan.

"So, ahm... gusto mo ba munang kumain habang hinihintay sila? May kainan doon, ite-text ko na lang sila na doon tayo puntahan."

Napaisip ako, kung sa bagay hindi namin alam kung gaano ba katagal kaming tatayo rito para maghintay sa kanila.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang