1

654 17 1
                                    

Matindi ang pagkakahawak ko sa sigarilyo habang pilit na pinapakalma ang aking sarili sa nakita ko kanina. To be honest, I didn't even expect this to happen. I was in shock and didn't know what to do.

Ilalagay ko pa lang sana sa bibig ko ang hawak kong sigarilyo nang may umagaw na nito at tinapon sa kung saan. Kumunot ang noo ko pero siya, seryosong tingin lang ang ipinupukol sa akin.

"Kailan ka pa natutong manigarilyo? At anong nangyari sa kamay mo? Ayos ka lang ba?" seryoso ngunit may pag-aalala niyang tanong. Napaatras ako nang lumapit siya at dito ko pa lang siya pinagmasdan ng buo.

He look so fine na para bang walang nangyari sa kanya noon. Pa unti-unti, ramdam ko ang pangingilid ng aking luha kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Bwisit.

"Mara, mag-usap tayo." Mas umatras pa ako nang hahawakan niya sana ako kaya huminto ito sa muling paglapit niya sa akin.

Marami akong tanong para sa kanya, pero walang lumalabas sa bibig ko dahil hanggang ngayon... gulat pa rin ako sa biglaan niyang paglitaw.

He sighed. "Sorry kung nagulat kita ng ganito, sasabihin ko naman sa'yo pero noon kasi hindi ako sigurado kung makaka-survive ako kaya sinabi ko--"

"Patay ka na," pagtutuloy kong sabi.

His eyes are sincere and I can see how sorry those eyes are habang nakatitig sa akin. But, those are nothing dahil sa bigla na lang niyang pagbalik na akala mo'y hinukay sa ilalim ng lupa.

I thought he was dead, but he's here in front of me, healthy and talking.

"I'm really sorry Mara, gusto ko sanang sabihin sa'yo pero--" I cut him off.

I smirked and looked at him in disgust. "Sorry? Ganito ba ang nagagawa nang muntik ng mamatay? Hindi ko alam na may zombie pala sa totoong buhay."

Kumibot ang gilid ng kanyang labi at kahit na pakiramdam ko babagsak na ang luha sa aking mata, lumapit ako sa kanya at tinignan siya mismo sa mata niyang aaminin ko... na miss kong tignan.

Pero hindi ito ang dapat kong iniisip dahil may mas laki siyang kasalanang ginawa at ginagawa ngayon.

"Your forgiveness is not enough Fabius. Kaya sa susunod 'wag ka ng magpakita sa harapan ko at higit sa lahat... huwag mong papakialaman ang buhay ko naintindihan mo? And this?" Pinakita ko sa kanya ang kamay kong nasugatan dahil sa ballpen. "This is nothing compared to what you are doing right now."

Tinitigan ko pa siya sa mata niya ng ilang segundo bago maglakad palayo sa kanya. At sa aking pag-alis, nag-uunahang luha ang lumabas sa mata ko na hindi ko na mapigilan pa.

He will show up and beg for forgiveness after everything he has done?

Na 'yung akala mong patay na bigla-bigla na lang sumulpot sa harapan mo nang wala man lang pasabi?

Sinong tanga ang matutuwa sa pagsulpot ng taong ilang taon mong iniyakan dahil sa pag-aakalang nabaon na siya sa lupa?

Huminto ako saglit, pinunasan ang luhang ayaw na atang tumigil saka pilit na huminga nang maayos.

Tumingala ako sa langit na malapit ng dumilim, naiinis ako sa totoo lang dahil halo-halo pa rin ang mga emosiyong aking nararamdaman. Kaso sa lahat ng ito, wala akong magawa kundi ang mapaiyak na lang dahil hindi ko naman alam ang dapat gawin.

I'm still shocked at ito lang ang alam kong gawin, crying is my only escape so that I don't hurt myself again.

"I hate my life."

▪▪▪

Tinapon ko ang sigarilyo sa lupa saka ito tinapakan, napaubo pa ako pero nagtuloy tuloy na ako sa pag-alis sa smoking area dito sa mall.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now