17

202 7 0
                                    

Bago pa man sila makalapit, lumuhod ako sa harapan ni Lola na mukhang hindi niya inaasahan. Maraming nakapaligid sa'min at nakakainis dahil kailangan ko pang umabot sa puntong ito.

"What are you doing Xiomara? Tumayo ka diyan," sabi ni Lola na may pag-aalala sa tono.

"Let's talk grandma but just the two of us, please." Nanatili akong nakatingin sa kanya habang nakaluhod.

I already did this with Tita Sabel begging her not to do or say something yet she still said this to Lola. Damn.

Ilang saglitang katahimikan ang bumalot sa paligid bago sila na mismo ang umalis. Hindi ko inalis ang titig kay Lola hanggang sa dalawa na lang kami ang natira.

"Tumayo ka na diyan apo masasakt--"

"Hayaan niyo na po ako Lola. Hayaan niyo akong mamatay." Napakagat ako sa labi ng tumayo ito at lumapit sa'kin.

Halatang nagbabadya ang luha sa kanyang mata at tutulungan sana ako sa pagtayo nang magmatigas ako't nanatiling nakaluhod.

"Ano bang nangyari sa'yo Xiomara, ha? Sabihin mo kay Lola ang problema mo makikinig ako. Ayokong nakikita kang ganito apo, lalong ayokong marinig sa'yo na gusto mo ng mamatay. 'Wag kang magsalita ng ganyan nasasaktan ang Lola." Tinapatan niya ako't hinaplos ang aking buhok. "Tell me, what's wrong Xiomara?"

The touch of her hand on my hair comforts me because she was always like that when I had a problem. I can say that she is the best grandmother I have ever had because she can feel the pain that I feel even if she is just looking at me.

She really is the mother of Dad.

"I'm sorry Lola... pagod na po ako, matagal na akong pagod," halos pabulong kong sabi. "Sadyang hindi ko lang masabi sa inyo dahil ayokong masayang ang pagod ninyo noong mga araw na halos mamatay na ako ng tuluyan. Pero ngayon, ayoko na po talaga kaya parang awa niyo na hayaan niyo na lang po akong mawala ng tahimik."

"At sa tingin mo ganun kadali sa'min na hayaan kang mamatay na lang? Walang kamag-anak ang may gustong mamatay ang mga mahal nila sa buhay. Matapos mamatay ng pamilya mo pinangako namin na aalagaan ka kaya Xiomara naman, sumama ka sa'kin sa States ipapagamot kita." Umiling ako kasunod ng pagbigat ng aking dibdib.

I smile weakly. "No, Lola I'll stay here. Gagawin ko lahat ng gusto niyo 'wag lang ang magpagamot. Matagal na pong namatay si Xiomara... wala ng saysay ang pagpapagamot para sa katulad kong ayaw na talagang mabuhay."

"Xiomara!" malakas na sigaw ni Lola sa pangalan ko.

Ayokong pataasin ang presyon nito pero ayoko ring pumayag sa kagustuhan nilang magpagamot pa ako. Dahil kahit marami pang mangyari 'yun ang gusto, walang sino man ang makakapagpabago nun.

"Listen to me Lola... ayoko. Ayokong magpagamot," pagmamatigas ko na desidido na ako sa aking mga sinasabi.

Tumayo siya at naglakad lakad sa aking harapan. Nakahawak siya sa kanyang noo at parang nag-iisip habang ako ay nanatili sa sahig.

Alam ko na naririnig kami ng mga taong umalis kanina at alam ko rin na magagalit sa'kin ang kambal pero ito na talaga ang desisyon ko. Desisyon na mula't sapul ay binalak ko nang gawin pero dahil sa pagbalik nila Fabius ay unti-unting nasisira.

"So what do you want me to do? Us to do? Watch you die without doing anything?!" galit niyang tanong.

Tumango ako bilang sagot na nagpabuntong hininga sa kanya ng malalim. Napaupo pa ito sa isang upuan habol ang kanyang hininga, pinipigilan na magalit ng sobra sa akin.

If Lola had a heart attack, it would be my fault.

Hindi ko alam kung gaano katagal ang katahimikan sa'min pero sa muli niyang pagtayo, isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. Nanginginig pa ang kamay niya na sumampal sa'kin bago ako talikuran.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now