8

252 8 0
                                    

I looked at the sky and the lights below me, they were shining like a star above that has its own kind of beauty.

Iba't ibang kulay ang nakikita ko na maganda nga naman talaga sa mata, nakakabighani kung saan sinamahan pa ng malamig na hangin.

Binuga ko ang usok mula sa aking bibig saka pumikit para damhin ang lamig ng gabi. I can't go home after going to Ryla's party, kaya nandito ako ngayon sa rooftop ng mataas na building nag-iisip.

Nakailang ring na ang phone ko mula sa mga taong ayokong makita. Nakita ko rin ang number ng kambal pero pinili kong patayin na lang.

Tonight, I want to think and in order to do that I need to be alone even for a while.

I stood up. "If I jump here, will my problems be solved? Or will they get worse?" I asked the wind.

Mukha akong tanga dito pero muli akong pumikit saka nilagay ang sigarilyo sa aking bibig. I spread both my arms like I'm flying or balancing saka ako naglakad sa kinauupuan ko lang kanina.

I'm not afraid of heights, mas takot ako na mahulog na may magtulak sa akin nang wala man lang pasabi.

"Bumaba ka d'yan! Baka mahulog ka!" Fabius said. Nginitian ko siya at nagpatuloy lang sa paglalakad malapit sa bangin.

"Mahuhulog? Hindi naman ah, masyado kang takot halika dito ang ganda kaya," tawag ko na nagpailing sa kanya.

Nilahad nito ang kanyang kamay sa harapan ko habang puno ng takot ang mukha nito. He even checked my side before looking at me like he was begging me to come down.

Sa pagtalon ko, para na siyang aatakihin sa gulat. Hinila niya agad ang isa kong kamay kaya parehas kaming natumba sa sahig, nasa ibabaw ako habang siya ang nasa ilalim.

I stared at him. "Ayos ka lang? Masyado kang takot, hindi naman ako mahuhulog, eh."

"Hindi mahuhulog? Mara, hindi ka sigurado 'wag mo na nga ulit gagawin 'yun! Mamamatay ako sa gulat," may kaunting galit nitong sabi.

Tinulungan niya pa akong tumayo at pinagpagan ang jumper na suot ko, boyfriend ko siya pero makaasta parang tatay ko.

I wrapped my arms around him. "Galit ka? Sorry na, hindi ko na uli gagawin hangga't hindi ka pumapayag. Smile ka na hmm? Fabius..." malambing kong sabi.

Sana effective.

Napapikit siya kasunod ng malalim nitong pagbuntong hininga. Ilang minuto rin akong nakayakap sa kanya nang yumakap ito pabalik na nagpangiti sa akin. Siniksik ko ang sarili ko sa dibdib niya habang siya ay sinimulang haplusin ang aking buhok.

"Hindi ko kayang mahulog ka sa mataas na lugar dahil kahit takot ako sa heights, mas takot ako na baka hindi kita mahawakan kapag mahuhulog ka na," he said then he hugged me tighter. "I'm afraid of losing you, people might say that we are still young to know how to love but for me, I know you're the girl I want to be with forever. Ang katulad mo ang gusto kong makasama, ikaw lang wala ng iba pa."

Matinding kilig ang naramdaman ko kaya kumalas ako sa yakap para tignan siya ng harapan. "Totoo? Walang halong biro?"

He pinched my cheeks. "Walang halong biro, kaya kung sakali man na mag-away tayo gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako. Gagawin ko hanggang sa makita ko ulit ang ngiti mong 'yan at mapatawad mo ako."

When I open my eyes, the man I am thinking of appeared. Nakalahad ang isa niyang kamay sa akin katulad dati at puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata, katulad na katulad noon.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now